JOAN
"Uy, salamat, ha? Ang ganda talaga ng kantang 'yan eh," sabi ko sa napaka-sincere na tono na halos maiyak na ako pero pinilit kong maging compose sa harap niya dahil baka naman isipin niya na hindi ko nagustuhan 'yong kanta.
"Wala 'yon, teka, sabi ko sa'yo kanina susunduin kita sa school," pagbabago niya ng usapan.
"Ah, eh, hinatid kasi ako ni Philip dito eh," depensa ko sa kanya at wari ba ay nagtampo ang chinitong mga mata.
"Ah, gano'n ba? Mabuti at nag-text ka sa akin dahil kung hindi, malamang nando'n pa rin ako ngayon," bakas sa kanyang mukha na lalong lumalim 'yong pagkatampo niya.
"Sorry," bawi ko sa kanya kaya naman ngumiti na uli siya sa akin. Madali naman kasing kausap ang lalaking ito. Kaunting amo lang, okay na.
"S'ya nga pala, hindi pa natatapos d'yan ang lahat," banggit niya tapos ngumiti na akala mo ay wala ng bukas.
"Talaga?" sagot ko with my surprised tone.
"Oo, kaya," sabi niya tapos may inilabas siyang sobre at iwinagayway pa sa may mukha ko. Baliw din ang isang ito.
"Ginawan kita ng sulat," sabi niya tapos pangiti-ngiti pa rin.
Natawa ako sa isip ko. Tama ba ang narinig ko? Sulat? Naks, traditional. Never pang may gumawa ng ganito para sa akin.
"Love letter?" tanong ko kahit obvious naman ang sagot.
"Parang gano'n na nga," inabot niya sa akin ang nasabing sulat. Ang cute no'ng envelope, kulay pink. Inamoy ko, scented pa nga. Tapos may sticker na hello kitty sa bukasan. Hala! Saan ba nakuha ni Cee ang mga ito? May hello kitty pang nalalaman.
Natawa na lang uli ako sa isip ko, ang cute talaga pati 'yong stationery na ginamit.
"Ikaw ang pumili nito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, 'yong sales lady, sabi ko, ipili niya ako ng siguradong magugustuhan ng babae," 'Yon naman pala, hindi naman siya ang pumili.
Ito na, bubuksan ko na ang kauna-unahang love letter na natanggap ko sa buong buhay ko.
"Babasahin ko na ba ngayon?" tanong ko sa kanya. Kinikilig ako pero nakahihiya kasi nakatingin siya sa akin.
"Hindi, bukas, titigan mo lang ngayon, Mojow baka basahin n'ya ang sarili n'ya," ang pilosopo ng loko.
"CEEra," pang-aasar ko pabalik sa kanya.
"Basahin mo na, gusto kong makita ang mukha mo habang binabasa ang sulat ko," sabi niya tapos palipat-lipat ang tingin sa akin at sa sulat sa nasa kamay ko.
"Sige, sige," agad ko namang binuksan ang nasabing sulat na kanyang ibinigay.
TO: YOU
Oh, ano? Korni ba? First time kong gumawa ng ganito kaya hindi ko alam ang dapat at hindi dapat sabihin. Basta ito na lang, matagal na rin ang itinakbo ng pagkakaibigan natin. Parang kailan lang no'ng nagkakilala tayo sa Mcdo. Para kang amazonang sumugod sa'kin dahil sa float na ipinadala ko sa'yo na hindi naman talaga para sa'yo. HAHAHA! Tandang-tanda ko pa ang mukha mo no'ng sinabi ko sa'yo ang katotohanan.
Parang gusto mo akong bugbugin tapos kainin ng buhay. HAHAHA! Tapos do'n na nagsimula ang lahat. Naging magkaibigan tayo tapos lagi na tayong nagbabangayan pero gets na natin 'yon. Kung sila, may gandang 'di inakala, 'yong sa akin naman ay pag-ibig na hindi ko inakala.
Papano ba naman lagi na lang tayo magkaaway tapos barahan. Hindi ko akalain na mula roon ay mahuhulog ang loob ko sa'yo. Eh ang sungit mo naman tapos basta! Ang hilig pang mamalo. HAHAHA!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
