CEE
Ang aga kong nagising! Nandito nga ako ngayon sa harapan ng salamin, katatapos lang maligo, magbibihis naman.
First day ko bilang trainee sa Brilliant pages today. Soon to be HR staff tapos HR manager, Vice president, tapos president, and then CEO.
Sabi kasi nila, kapag nangarap ka, taasan mo na, libre naman. Pero hindi talaga ako sure sa hierarchy na binaggit ko! Sa sobrang taas ng pangarap, natatawa na lang ako dahil parang tagapagmana naman ako ng kumpanya.
Nakausap ko nga pala si Insan kagabi...
"Oh, insan, nand'yan ka na pala, kanina ka pa?" tanong ko nang makauwi mula kina Mojow.
"Kararating ko lang, Insan," sagot naman niya habang nakahilata sa sofa sa living room.
"Ah, gano'n ba? Kumain ka na?" naupo naman ako sa tabi niya.
"Ah, oo, may free food kami pagkatapos ng gig," sagot naman niya sa akin na bakas sa mukha ang pagod sa buong araw na dumaan.
"Ah, siya nga pala, tinawagan na ako kanina ng Brilliant pages," balita ko sa kanya.
"Huh? Linggo ngayon ah," 'yong noo niya parang bacon sa kunot, puwede ng iprito. Peace! Insan!
"Receptionist daw ng Brilliant pages," paliwanag ko naman at napatag na rin ang noo niya matapos iyong marinig.
"Ah, kung sabagay, by shift nga pala sila ro'n, oh, kailan daw ang start mo?" ngumiti siya nang marahan at relaxed na uli ang itsura.
"Bukas na raw," simpleng sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Congrats! Sabay na tayo bukas," nakangiting bati niya sa akin at tinapik pa ako sa kanang balikat.
"Salamat! Eh, masungit ba ang boss natin?" kailangan kong malaman para mahanda ko na ang mga balang gagamitin.
"Ako ang boss sa HR department. Kaya nga wala ka ng interview," sabi niya tapos tumawa kaya natawa rin ako.
"Alam ko, Insan, ang ibig kong sabihin, 'yong pinaka-boss. 'Yong may-ari talaga," paliwanag ko sa kanya.
"Ah, based kasi sa States 'yong CEO natin eh kaya hindi ko pa na-meet," sabi niya at tila ba napapaisip sa tanong ko.
"Ah, gano'n," simpleng sabi ko.
"Siya nga pala, insan, baka mag-resign na 'ko sa BP," malayo ang tingin niya sa akin.
"Ha? Bakit naman? Hindi mo ba kayang dalawa tayong gwapo sa HR?" 'Yan talaga ang una kong naisip. 'Di niya kaya? Tumawa naman siya.
"May tumawag kasi sa banda namin kanina," natatawang sabi niya.
"Oh?" Na-amazed naman ako sa balita niya.
"Record label 'yon sa LA at nakita raw nila 'yong YouTube video ng performance namin at nagustuhan nila kami," kuwento niya na halata sa mukha ang excitement. Grabe! Magiging recording artist na ang pinsan ko, astig!
"Mag-a-abroad ka na pala, Insan. Congrats! Walang limutan," ang siste, mas excited pa ako sa kanya ngayon kaya natawa na lang ako sa sarili ko.
"Baliw, hindi pa kami nagdedesisyon. Matatagalan kasi 'yon kaya baka makapag-resign kami sa mga trabaho namin, eh pa'no kung hindi maging ayos eh 'di wala na kaming mga trabaho. So, kailangan talaga naming mamili," paliwanag niya at may punto siya. Kailangan talagang pag-isipan iyon nang mabuti.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
