CHAPTER 35

275 3 3
                                        

JOAN

Saturday na at siyempre, walang pasok. Nagtataka lang ako kung bakit kaya hindi na nagpaparamdam sa'kin si Cee? Ano'ng konek? Gusto ko lang malaman ang dahilan.

Anyway, suko na ba siya? Saklap naman! Eh 'di kaya busy lang sa trabaho? Puwede! Pero last pa niyang punta rito ay bago pa ang first day of work niya.

Lampas dalawang linggo na ang nakalipas pero ni ho, ni ha, wala. Ano kaya 'yon? Ni text, wala. Ano ba naman 'yan?

Teka, bakit ba ako affected masyado? Bahala nga siya! 'Pag ako pumili ng wala sa oras, lupasay siya sa lupa. Buti pa si Philip laging dumadaan dito, may lakad pa kami mamaya sa mall.

Chill lang daw at na-stress kasi siya at umay na umay sa pagkain ng Serenity kaya gusto niyang mag-chill out. So speaking of the pogi, nand'yan na siya.

"So, let's go?" tanong niya at ngumiti naman ako.

"Tara!" sabi ko sa kanya kaya ipinagbukas pa niya ako ng pintuan ng kotse.

Matapos kong makasakay ay sumakay na rin siya ng sasakyan niya, sa Starbucks niya gustong pumunta.

"What do you want?" tanong niya nang makaupo kami sa isang sulok ng café.

"Ano bang masarap?" balik na tanong ko sa kanya, tinatamad kasi akong mag-isip.

"Me," sabi niya at hindi ko 'yon in-expect kaya nag-blush ako ng wala sa oras. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Peste ka naman Philip, makabanat ka, pabigla-bigla.

"Nah, I'm just kidding. I'll order for you," sabi niya at ngumiti pa sa akin nang matamis.

"S-sige," sabi ko naman. Nag-stammer ako! Nahalata kaya niya? Woooo! Pabanat-banat pa eh, pa-kiss nga? Joke lang!

Noong umorder siya, may napansin ako sa katabing table na ewan ko kung couple or magkaibigan pero bigla akong naging tsismosa dahil naririnig ko ang usapan nila.

"Bakit ka nakatingin sa'kin, ha? Nagagagwapuhan ka, 'no?" sabi noong lalaki sa kausap niyang babae.

"Itsura mo! Alangan naman na sa sahig ako tumingin, eh 'di mukha akong timang," sabi noong babae na mahahalata mo na may kakaibang punto sa pagsasalita.

Ewan ko pero natatawa ako at nagpipigil din ng tawa dahil baka may makakita sa akin at isipin na nababaliw na ako.

"Aminin mo na kasing crush mo 'ko," pagpipilit ng lalaki.

Hindi natawa ang babae kaya lalo akong natatawa. Tinakpan ko na 'yong bibig ko gamit ang kamay kasi baka bubulusok anytime ang tawa ko.

"Crush mo, mukha mo! Buti ba kung kamukha mo si Channing Tatum, eh hindi naman," sabi naman ng babae. Nakatatawa! Parang ako 'yong babae! Bet ko rin kasi si Channing Tatum.

"Bakit? Hawig naman kami, ah!" sabi uli noong lalaki, D'yos ko, kuya! Ang vain mo!

"Hoy! P'wet ka lang no'n," sabi no'ng babae, natawa na talaga ako! Hindi ko na napigilan pero nang napatingin sila sa'kin ay tumigil ako sa pagtawa at tumingin bigla sa ding-ding.

"Puwet pala, ha?" sabi uli noong lalaki tapos kinuyog niya nang yakap 'yong babae tapos ginulo pa ang buhok.

"Ano ba? 'Yong buhok ko!" sigaw sa kanya ng babae tapos pinaghahampas niya sa braso si Kuya.

Hay... huwag na nga tumingin sa kanila at may naaalala lang ako. Ano ba naman 'yan? Okay, huwag na nga siyang isipin.

Eh ako nga, hindi man lang niya naaalala eh. Lintik na 'yan, ito na naman ako, iba na naman ang iniisip habang may kasamang iba. Joan, huwag kang unfair, mag-focus ka sa kasama mo.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now