CHAPTER 27

386 4 2
                                        

CEE

STEP 8: TEACH HER SOMETHING ESSENTIAL.

Ang ganda pala ng legs ni Mojow! Ehem... Cee, sa mukha ka tumingin huwag sa legs.

Buti wala masyadong lalaki rito at walang makakakita sa kanya, ako lang, subukan naman pati nilang tumingin ng hindi maganda, patay sila sa akin.

"Ano, tara na?" tanong ko.

"Tara," sagot niya.

"Dito tayo, sabay tayong tumalon," sabi ko sabay kaunting hatak sa kanya.

"Ha? Ayoko," sabi niya at inalis ang kamay ko sa pulso niya.

"Para masaya, dali," pero bakas talaga sa kanya ang hindi pag-ayon sa gusto kong mangyari.

"Ayoko, baka malunod ako,"

"Hindi ka ba marunong mag-swimming, Mojow?"

"Hindi," simpleng sagot niya.

Kaya naman pala may bakas ng kaba at takot sa boses niya. Turuan ko kaya siya? Para next time na mag-swimming kami ay hindi na siya matakot o kahit kabahan.

"Tara, tuturuan kita," sabi ko sa kanya.

"Ha? 'Wag na," nahiya pa, wala naman siya no'n!

"'Wag ka nang kumontra, wala kang choice,"

"Aba, naman! Cee naman, ayaw ko nga," sabi niya.

"Dali na, para hindi ka malunod kapag nag-swimming ka next time, lalo na kung hindi mo ako kasama,"

"Sige na nga."

"Stretching muna tayo," sabi ko.

Nag-stretching kami sa pool side at maya-maya ay lumusong na sa pool, malamig ang tubig, parang gusto ko nang umayaw.

Ang lawak ng pool tapos kami lang ang nasa loob, ayos 'to, magandang magturuan dahil walang abala.

Tutal naman tinuruan niya akong maging matino, tuturuan ko naman siyang mag-swimming. Sabay ganoon.

"Ang una mong dapat tandaan ay ang tamang paghinga," bulong ko sa kanya. Bulong para ma-relax agad siya, boses ko pa lang.

"Paano ba?"

"Dapat pag-inhale mo, palaki ang tiyan at pag-exhale, paliit naman ang t'yan, try mo, try mo lang hanggang sa masanay ka,"

Pinalubog ko siya after ng breathing at tinuruan ng basic strokes. Kaya lang, may mali talaga.

"Lumulubog ako!" sigaw niya.

Natawa ako sa isip ko dahil ganoon naman kasi talaga sa simula. Sabi nga nila, kailangang i-try nang i-try hanggang sa makuha mo.

Ramdam ko ang frustration sa boses niya kaya binulungan ko uli siya na mag-relax.

Sabi nga, when learning something new, you can't understand it instantly; you need time to learn it step by step.

"Kalma, Mojow, lumipat ka nga muna rito sa akin,"

"Bakit?" bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Humiga ka," sabi ko.

"Ano?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Matutulungan ka nitong mag-relax, dali na," in short, sumunod din siya sa sinasabi ko dahil walang aalis ng pool hangga't hindi siya lumulutang.

"Uy, 'wag mo akong bibitiwan, ha?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hinding hindi kita bibitiwan kahit ano'ng mangyari, Mojow.

"Hindi kita bibitiwan, pumikit ka muna, relax lang, ha?" hindi kasi ito magiging posible kung ang katawan niya ay tensionado.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now