CHAPTER 3

819 11 2
                                        

JOAN

"Dito talaga?" tanong ko. Nagtataka kung bakit nandito kami sa lugar na ito.

"Bakit hindi?" balik na tanong niya. Parang nainsulto pa nga siya sa tanong ko.

"Buti hindi ka nasunog," bulong ko.

"May sinasabi ka ba?" ang sungit na naman ng isang 'to!

"Wala! Sabi ko nasa bukabularyo mo pala ang simbahan," nakaupo kami sa may bahaging likuran.

"Wala kang pakialam," sabi niya. Aba! Ang sungit talaga! Nasaan ba 'yong pison ko?

"CEEra ulo," nakakaasar kasi e!

"Ikaw ang kauna-unahang babae na nagsabi sa akin n'yan," whoa. Biruin mong ako pa nga ang babaeng pinagpala. Ehem, sarcasm!

"Talaga? Biruin mong ako lang pala ang hindi bulag," napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko.

"Hindi, ikaw lang 'yong walang taste," may taste ako at hindi ka kasali ro'n.

"Ako ang walang taste?" tanong ko. Tapos tinaasan ko siya ng kilay.

"Oo, wala kang taste," sigurado siya sa sinasabi niya kaya lalong nakabubuwisit.

"At bakit naman?" na-curious na rin ako sa hambog na 'to.

"'Wag kang sumigaw, mahiya ka nga sa ibang nagsisimba," paalala niya. Kaya hininaan ko 'yong boses ko dahil nahiya ako bigla sa inasal ko.

"Bakit naman wala akong taste, ha?" ulit ko ng tanong sa mukha niya.

"Dahil wala pang babae ang umaway sa akin dahil isang tingin ko pa lang sa kanila, napapa-ikot ko na agad sila sa mga kamay ko," tumingin sa altar. Hay... bakit ba may lalaki na ganito?

"Puwes hindi ako sila, yuck ha!"

"Ano'ng yuck? Sa gwapo kong ito ewan ko na lang kung hindi ka maging isa sa kanila."

"Hoy! Kung saang planeta ka man nanggaling dahil napuno na ng hangin 'yang utak mo, tigilan mo nga ako, hindi pa ako nahihibang para magkagusto sa'yo. Oo, sabihin na nating gwapo ka pero 'yong pag-uugali mo naman nakasusulasok," sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya dahil deretso lang ang tingin ko sa altar.

Nakikita ko sa pheripheral vision ko na nagme-make face siya. Banatan ko kaya 'to ng isa? Asar!

"Hindi mo ako kilala kaya 'wag mo nga akong husgahan. So tell me, bakit ang bitter mo?" nakatingin siya sa akin ngayon kaya tumingin din ako sa kanya. Pinigilan ko na hindi magtaas ng boses dahil naalala ko kung nasaan ako.

"Bakit naman sa dinami-rami ng tao sa mundong 'to, ba't ikaw ang kakausapin ko? At bakit ko naman dapat sagutin 'yang tanong mo? Ano naman sa'yo kung may problema ako?" umiwas siya ng tingin sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"Ah, ano... baka sakaling hindi mo na ako guluhin 'pag naayos mo 'yan. E 'di matatahimik na ako. Wala nang makikialam at sisira ng diskarte ko," wow ah! Ako pa talaga ang problema niya ngayon e siya nga itong buwisit!

"Salamat naman sa paninira mo sa akin," sabi ko nang pa-sarkastiko.

"Walang anuman," tapos ngumisi siya.

"Hindi mo naman ako maiintindihan. Happy go lucky ka. Wala kang pakialam sa nararamdaman ng mga babae, pa'no mo makukuha ang sasabihin ko ngayon?" sabi ko sa kanya at hindi naman siya natinag.

"Try me, sabi nila mas mabuting ikuwento ang problema sa walang kinalaman do'n para hindi bias. Kahit busy akong tao, sige, pag-aaksayahan na kita ng panahon," ang yabang talaga! So, ngayon utang na loob ko pa na pakikinggan niya ako? Aba talaga naman!

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now