CHAPTER 40

301 3 2
                                        

CEE

Nasa bahay pa rin ako ni Mike at matapos kong tumawag ng back up sa mga pulis ay nag-isip na ng plano, mga 48 years din ang pag-iisip. Pero no'ng lumingon ako ay may matigas na bagay ang ipinukpok sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay.

'Pag gising ko ay nakatali na ako sa upuan. Typical teleserye scene talaga, Mike? Akala ko ba sa ibang bansa ka lumaki?

Nang tumingin ako sa paligid ay napansin ko agad na nasa unfamiliar place ako. Zip ties ang ipinantali sa akin tipong hindi ako talaga makatatakas. Buwisit na buhay ito!

Ito ang last scenario na ini-imagine ko na nakatali ako, if you know what I mean.

Hindi ko napansin agad na tinitingnan pala ako ni Mike.

"Sino ka? Nasaan ako?" tanong ni Cee sa boses na nag-aalala.

"Ulol, wala kang amnesia, at isa pa, hindi ka si John Lloyd Cruz. 'Wag ka ngang ambisyoso!" sabi ni Mike.

"Mas ulol ka, hindi ka dapat marunong mag-Tagalog," bawi ko. Pero joke lang talaga, nahihilo kasi ako kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.

'Pag mulat ko ay nakita ko si Mike na natutulog sa sofa na nasa tapat ng lugar kung saan ako nakatali.

Ang hirap sigurong maging epal kaya kailangan din niyang magpahinga? Siya lang ang kilala kong kontrabida na nakuha pang matulog sa gitna ng evil na mga plano.

Alam ko naman na hindi ko matatanggal ang tali sa mga kamay ko pero nabubuwisit ako dahil masakit na. 'Pag talaga nagkasugat ang maganda kong mga pulso, bugbog ka sa akin, Mike!

Ang likot ko sa upuan kaya naman nagising si Mike dahil sa ingay.

"What's that fucking noise all about?" sigaw niya. Umupo siya matapos buksan ang mga mata.

"Mike! Tanggalin mo nga 'tong, ano ba 'tong nakatali sa akin?"

"Whatever it is, it doesn't matter. What matters is that you're here while Joan is now flying to Australia with my cousin, Philip," sabi ni Mike.

"Aminin mo na, hindi mo alam ang tawag dito, zip ties lang hindi mo pa alam? At hoy, ano'ng aalis? Nasa bahay lang nila si Mojow! 'Wag mo nga akong pinaglololoko," sabi ko habang na-stress ang kagwapuhan sa epal na ito.

"You don't believe me, do you?"

"Oo naman, matapos mo akong paglaruan at paikot-ikutin, maniniwala pa ba ako sa'yo? At isa pa, alam ko ang sikreto mo," ngumiti ako nang sarkastiko.

"What secret?" halata sa boses ang koryosidad sa sinasabi ko.

"Secret nga, 'di ba? Bakit ko sasabihin sa'yo?"

"Damn you!" nabuwisit na si Mike at nauubos na ang pasensiya sa akin.

"Motherf*cker!"

"Jeremy!"

"Yes, sir?"

"Print the photos you took from Joan's house a while ago, so that this little bastard shuts up."

"Nagtawag ka pa ng kasama mo."

"Nah, not really."

"Bakit mo ba 'to ginagawa, Mike? Wala naman akong atraso sa'yo ah," deretso ang tingin ko sa kausap pero umiwas siya ng tingin.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now