CHAPTER 15

470 5 0
                                        

JOAN

Pagkatapos kumain ay nag-ikot-ikot kami sa mall. Baka sakaling nandito si Ken. Nagpasya kaming maghiwalay ng direksyon at maghati sa dalawang grupo. Ako at si Philip tapos si Cee at Phoebe.

"Nasaan na kaya si Kenneth?" pagbasag ko sa katahimikan sa pagitan namin ng kasama ko.

"Guess, he's somewhere here," sabi ni Philip.

"Siguro nga, sana mahanap na natin s'ya,"

"We will surely find him soon,"

"Sana nga!"

CEE

"Hay, Kuya Philip and Joan are so bagay talaga," sabi ni Phoebe sa akin. Ano bang sinasabi niya?

"Parang hindi naman," sabi ko. Teka saan nanggaling 'yon?

Hoy, Cee! Kailan ka pa nakaroon ng pakialam kung bagay ang ibang tao?

"You think so? Why naman?" tanong ni Phoebe.

"Wala lang, tingin ko lang," sagot ko.

"Why are you ganyan? Are you like jealous? Wait, do you like Joan ba?" pabalik na tanong ni Phoebe. Nanlaki pa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"Huh? Kay Mojow? Hindi 'no!" sabi ko. Huh? Wala akong gusto sa babaeng 'yon. Ang ganda lang niyang asarin dahil masyado siyang mag-react. That's it, pansit!

"Why are you calling her, Mojow?" tanong ni Phoebe.

"Naisip ko lang 'yon, gawa ng Joan ang pangalan niya tapos naalala ko 'yong kontrabida sa power puff girls, si Mojo Jojo, 'yong unggoy," hindi ko napigilan na mapatawa sa sinasabi ko. Sobrang laughtrip lang talaga no'ng idea ko.

"You named her after a monkey?" tumaas ang boses niya sa tanong na ibinato sa akin, naglalakad pa rin kami.

"Oo, nakakatawa, 'di ba?" Ano ba 'yan? Hindi man lang siya natawa.

"Buti, she's not annoyed about it,"

"Wala lang kasi s'yang choice."

"Patas lang 'yon, CEEra ulo naman tawag n'ya sa akin e,"

"As in insane?"

"Oo, insane, 'yong mukhang 'to, insane?" tumawa pa ako nang mahina to get her side na hindi talaga ako ganoon.

"No, you looked too good to be insane," pero 'wag ka, sa Psychology, kadalasan sa psychopath ay todo sa charm! Pero hindi ko naman sinasabing ganoon ako.

"D'yan naman ako agree," natutuwa lang ako sa mga tao na marunong um-appreciate sa akin.

"Tara, let's just look for Kenneth na," sabi ni Phoebe at naglakad-lakad pa kami.

"Tara na nga," sabi ko.

"Wait lang, how will we find Kenneth? We don't even have a photo. I don't even remember what he looks like," sabi ni Phoebe sa akin. May punto siya!

"Ah, yeah, that's right, kaso pa'no tayo makakakuha ng picture n'ya?" tanong ko naman.

Oo nga naman, matalino rin pala ang bata na 'to. Mas madali ang paghahanap namin kung may reference photo kami na hawak.

"Facebook? Twitter? Instagram?" tanong ni Phoebe.

"Ah... teka, tatawagan ko lang si Mojow," sabi ko.

"Hello, Mojow?"

(Oh, bakit?)

"Nasaan na kayo?"

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now