CHAPTER 1

1.3K 19 10
                                        

JOAN

Nandito ako ngayon sa Mc Donald's sa bayan ng Royce. Nasa bahaging dulo malapit sa pinto ako nakapuwesto at ang inupuan ko ay pang-apatan. Wala naman akong kasama kaya bakante ang tatlo, gusto ko lang na maraming bakante para patungan ko ng mga gamit. Anyway, umorder ako ng fries, chicken sandwich tsaka McFloat na madalas kong bilhin dito.

Dito ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa dahil ayaw kong mag-share ng pagkain sa mga kaklase kong akala mo sila ang nagbayad ng order ko.

Pero seriously, ito ang isang lugar na nakagawian kong puntahan kapag may kailangan akong pag-isipan. Ewan ko ba sa sarili ko, maingay naman dito tapos ang dami pa laging tao pero rito ako lagi dinadala ng mga paa ko.

Speaking of pag-iisipan, hindi mawala sa isip ko ang kalagayan ko, ano namang magagawa ko kung nasa ganito nga akong sitwasyon?

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kung ako ang nasa kalagayan niya, magkakagano'n din ako.

Binuksan ko ang balot ng chicken sandwich hanggang sa kalahati na lang ang nakabalot tapos kumagat at habang ngumunguya ay napapa-isip pa rin ako. Hay... ano ba ang dapat kong gawin?

In fairness, may g'wapo. Siya 'yong tipikal na lalaki na sa isang tingin mo ay magkaka-crush ka agad kung mahilig ka sa singkit. Pero don't get me wrong, hindi ko siya crush, sinasabi ko lang na g'wapo siya dahil 'yon naman ang nakikita ko.

Matangkad, chinito, fair skinned, matangos ang ilong, mapula ang mga labi, maganda ang pangangatawan at ang cool din ng hairstyle; mukha siyang anime character.

Nakakaaliw din siyang ngumiti dahil kasama sa ngiti na 'yon ang saya mula sa mga mata niya.

Napapangiti rin ako, nakahahawa kasi ang mga ngiti niya. Bagay sila no'ng babaeng katabi ko. Ang ganda rin kasi no'ng girl, mahaba ang buhok na color light brown, medyo malaki ang mga mata dahil naka-contact lenses, mistisa siya tapos long legged at slim, mukhang artista silang parehas.

Sila kaya? Ay, ano naman sa 'kin?

Nagpapalitan sila ng mga ngiti. Pakiramdam ko, na-out of place ako kahit hindi nila ako kasama para kasing ang isa't isa lang ang nakikita nila.

"Buti pa sila," sabi ko sa sarili ko tapos ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Idaan na lang sa kain ang hinagpis.

Nag-uusap sila at kahit ayaw kong makinig dahil hindi naman ako chismosa, (minsan lang) e naririnig ko talaga kasi nga tulad ng sinabi ko kanina, katabi ko lang sila.

"Miss, alam mo bang para kang McFloat," sabi no'ng guy. Wow! Babanat si Kuya, pakiramdam ko ang korni pero go lang.

"Bakit naman?" tanong no'ng girl na sobrang lapad ng ngiti.

"Yang mga ngiti mo kasing tamis ng choco fudge, 'yong kutis mo kasing flawless ng vanilla ice cream at higit sa lahat, 'yong kagandahan mo nagfo-float sa hangin dito sa buong Mcdo, stand out!" sabi no'ng guy. Muntik na akong masamid sa kakornihan ng taong 'to. Ibang level ang kakornihan!

"Grabe! ang korni naman," bulong ko na napalakas 'yata.'

"Hey, I'll just go to the restroom," sabi no'ng girl matapos tumawa nang tumawa dahil sa guy na kasama. Tumayo na siya at lumakad sa direksyon kung nasaan ang CR.

"May sinasabi ka ba, miss?" biglang tanong ni guy habang nakatingin sa akin. Sinasabi ko na nga ba, narinig niya. Patay! 'Di ako tumingin sa kanya, nagpatay malisya na lang.

"Ah, wala, wala," ako lang naman ang nasa harap niya kaya malamang ako ang kausap niya.

"Okay," sabi niya tapos umupo na uli siya nang ayos at deretso ang tingin.

It Started with a McFLOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon