JOAN
Katatapos lang ng final exams namin. Sem break na naman! Nice! Wala ng pasok. Saan naman kaya kami pupunta sa ilang araw na pahinga? Pero bago ang lahat, heto ako at kasalukuyang nasa dining area para mag-lunch kasama ang aking pamilya, katatapos lang namin magdasal.
"Amen," sabay-sabay naming sabi.
"Okay, let's eat," sabi ni Daddy.
"Okay po,"
"Girls, nga pala, may sasabihin ako sa inyo," whoa! mukhang importanteng bagay ang sasabihin niya. Ano kayang mayroon?
"Ano po 'yon, daddy?" nauna nang magtanong si Nika.
"Ah, I'm assigned somewhere far," what? No way!
"Don't tell me sa ibang bansa, dad?" Sana mali ang naiisip ni Belle. Malayo 'yon, mami-miss ko si Daddy. Please dad, say no.
"Yes, Belle sa ibang bansa," tama na naman ang kapatid ko! Kailan ba siya nagkamali? Aww... saan naman kayang bansa?
"Dad? Really?" Kailan naman? Matagal pa naman siguro, ano? Puwede pa kaming mag-outing, tama, baka naman malayo pa at maaari pang mag-bonding.
"Yes, sa Australia, do'n ako na-assigned, I'm leaving this Sunday," he sounds so serious.
"What? This Sunday? Friday na ngayon ah!" nawindang si Belle. No way! Aalis na si Daddy sa Sunday? Panaginip ba ito? Seryoso ba? O baka naman prank?
"Yes, because it's urgent," grabe! Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Ngayon lang kami magkukulang at mahihiwalay ang isa sa amin.
"But, dad?" pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang over whelming ng nangyayari.
"I'll be back soon, it's for us, don't be sad," pare-parehas siguro kami ng mga mukha ng mga kapatid ko kaya niya nasabi 'yon. Himala yata dahil hindi nagsalita at bumanat si Mommy.
"Mommy," tumingin ako sa kanya at ganoon din naman siya sa akin.
"Yes, dear?" halatang nagpipilit lang siyang maging okay sa harapan namin kahit ang totoo, malungkot talaga siya.
"Aalis na si Dad..." para akong bata na nagsusumbong sa Mommy ko.
"It's life, my dear, kapag trabaho ang usapan, alam mo kung gaano ka-dedicated ang dad mo at isa pa nag-decide na s'ya. Kailangan natin s'yang suportahan," seryoso si Mommy. Tahimik lang din lahat. Hindi na makakain sa sobrang bigla. Parang na-stuck sa moment lahat.
"Let's eat," sabi ni Dad.
"'Wag lang siyang mambababae ro'n, naku!" nagulat kaming lahat sa sinabi ni Mommy kaya natawa na lang lahat.
Alam kasi namin na nagbibiro lang siya. Kilala namin si Dad, hindi siya 'yong ganoong klase ng tao. Si Mommy talaga! Nakakaisip lagi ng mga ganitong banat! So epic!
Matatapos na kaming kumain nang biglang may dumating.
"Ah, good afternoon po," pamilyar ang boses na naririnig ko.
"Oh, Cee? Napadalaw ka yata," bati sa kanya ni Mommy nang makita siya.
"Ah, may dala po ako para sa inyo," what? Ano'ng mayroon?
"Ano na naman 'yan, Kuya Cee?" halata sa mukha ni Nika ang interes sa kung ano man ang dala niya.
"Ah, ano, leche flan," pangiti-ngiting sabi ng CEEra.
"Gawa mo uli?" tanong uli ni Nika.
Uli? Na naman? Medyo weird, kailan ba 'yong first time? Bakit parang hindi ko alam, hindi ako na-inform.
BINABASA MO ANG
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
