CHAPTER 37

240 3 1
                                        

CEE

After work ay umuwi na ako. Maya-maya ay dumating na si Vanessa na may dala at may dala nga  siyang pagkain.

"Hi, Cee!" sabi niya.

"Hello, sige, upo ka!" yaya ko.

"Akin na 'yan at ipaaayos ko kay Anda," sabi ko.

"S-sige," sabi niya.

"ANDA!" sigaw ko.

"Thir?" tanong niya.

"Paayos naman nito tapos ibalik mo rito sa lamesa," utos ko.

"Thige, thir," sabi niya.

"Salamat, Anda," nginitian ko pa siya.

Pag-alis ni Anda ay napansin ko na lang ang pagpulupot ng braso ni Vanessa sa braso ko.

"Excuse me," tinanggal ko 'yong braso niya sa braso ko. Pakiramdam ko kasi parang mali. Para bang nagkakasala ako kay Mojow ng indirect.

Tumayo ako at kinuha ang DVDs sa may TV para lang maiwasan siya kahit paano.

"Ano'ng gusto mong panoorin?"

"Ayaw kong manood."

"Eh, ano'ng gagawin natin?"

"Let's just catch up."

"Ah, sige."

Bumalik na si Anda galing sa kusina dala ang pagkain na ipinaayos ko.

"Thir, eto na 'yong pagkain," sabi niya.

"Salamat, Anda."

"Welcome thir na pogi," sabi niya.

"I know, right," sabi ko tapos nginitian ko ang mabait naming kasambahay.

"Hmp!" biglang sabi ni Vanessa.

Problema nito? Hindi ko na lang pinansin.

"Hmp!" inulit niya nang mas malakas.

Okay, nagpapapansin, sige, patulan natin.

"May problema ba, Vanessa?"

"Selos ako! Baby, I want you back," sabi niya.

Naku! Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong pumayag sa 'hang-out' na ito. Umupo ako sa tabi niya.

"Gutom lang 'yan, Vanessa. Tara, kumain muna tayo," sabi ko.

Palag sa seg way ko? Patay malisya lang.

Kumain kami ng dala niyang pizza,  isang pan ng lasagna tapos isang bucket ng chicken at coke.

"Uy, inom ka muna, Cee," tapos inabot niya 'yung isang coke sa akin.

"Sige, salamat."

"You're always welcome," kumain na kami.

"Cee, wala ka bang nafi-feel na weird?" tanong niya sa akin. Ano bang sinasabi ng babaeng ito?

"Ha? Wala," sabi ko.

"Ah, sige," sabi niya.

Pagkatapos naming kumain, umangkla na naman siya sa akin.

"Vanessa, ano kasi, hindi na ako komportable sa ginagawa mo, may mahal na kasi akong iba," ayaw kasi niyang tumigil.

"Ouch! You're so mean, baby," mean na ba kapag nagsasabi nang totoo?

"And, stop calling me baby dahil hindi na tayo."

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now