CEE
Ano kayang tumatakbo sa isip niya ngayon?
"Stop na! At isa pa, may nagugustuhan na ako, nasa right age naman s'ya," sabi ko habang nakangiti. 'Wag na lang sana niyang itanong kung sino dahil hindi ko rin naman sasabihin na siya 'yon.
"Ayos ah, si Ms. Right na ba 'yan?" tanong niya kaya napangiti na lang ako.
"Oo, siyempre," kapag nalaman kaya niya na siya 'yon, ano kayang magiging reaksyon niya?
"Sino?" 'wag na sabing itanong e.
"Interesado?" inaasar ko lang siya. Nagseselos kaya siya? Hmm...
"Oo," aminado ah!
"Bakit?" hindi kaya obvious na ako at alam na niya na siya 'yon?
"Paliliwanagan ko s'ya," ano raw? Paliliwanagan? Ano bang hindi malinaw?
"Ano?" hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Na ikaw ang sumulat ng libro ng mga playboy," grabe! Hindi pa rin siya naniniwalang hindi na ako playboy at kaya kong maging seryoso sa babae? Na kaya kong maging seryoso sa kanya?
"Ah, sige, uuwi na ako," at umuwi na nga ako. Ayaw kong pag-usapan ang bagay na 'yon dahil hindi pa tamang panahon.
'Pag dating ko sa bahay, dumeretso na ako sa kuwarto. Nag-shower at nagbihis sabay higa na.
Napapaisip ako... paano ko kaya mapatutunayan na seryoso ako? Sinisimulan ko na nga e. Tutal naman pinagbibintangan niya akong sumulat ng libro ng mga playboy, patulan ko na.
May bago akong sinusulat ngayon. The book on how Joan Marie "Mojow" dela Vega will fall in love with Christian Paolo "Cee" Villonco, will fall and fall all over again.
Lagi na nga akong nagdadala sa kanila ng pagkain. Nag-aaral nga kasi akong magluto para ma-impress naman si Mojow at ang pamilya niya sa akin. Sabi kasi nila, nakaka-in love raw ang magaling magluto. Baka, ma-inlove agad si Mojow sa luto ko pa lang.
Before kasi, mahilig na talaga akong magluto pero wala lang akong chance gawin ang gusto ko. So, ito nga, ang first step sa ginagawa kong libro kuno ay...
1. MAKE HER FAMILY LOVE ME.
Kinabukasan rin sa bahay nila ay pumunta ako. Masayahin ang dela Vega family kaya madali silang pakisamahan. Iba't iba sila ng personalidad kaya medyo challenging pero in general, mababait naman.
Una, si Tito Joey, ang daddy nila...
"Tito, magandang umaga po, si Mo-ah este, si Joan po kaya?" tanong ko ng makarating ako sa kanila.
"Ah, magandang umaga rin. Nasa kuwarto pa yata, itanong mo na lang sa kanila sa loob," inabutan ko siyang may kinakalikot sa makin ang kotse niya.
"Sige po! Ay, tito, napanood n'yo po 'yong game ng Miami last night?" it's a guy thing! Mapaanong age pa 'yan! Basketball is a common thing among us.
"Hindi nga e, what happened?" see, nakuha ko agad ang interes niya.
"E panis po sila lahat sa heat lalo na ho kay Lebron," may paghawi pa ako gamit ang kamay ko.
"Talaga? Na-miss ko, marami kasi akong ginawa kagabi," halata sa mukha niya ang panghihinayang kaya may maganda akong ideya.
"Don't worry po, tito, ipagda-download ko po kayo ng copy ng game para mapanood n'yo," say what?
"Talaga? Thank you," 'yon! Masaya na siya! Good! One down!
"Dalhin ko na lang po, sige po, pasok na po ako," masyado ko na siyang naabala sa ginagawa niya kaya let's go sa next na dela Vega.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
