CHAPTER 4

777 10 7
                                        

JOAN

"Ikaw yata ang tinatawag no'n," sabi ng CEEra ulo.

"Sino ba?" tanong ko at napalingon sa lahat ng direksyon.

"Bingi ka?" balik na tanong niya sa akin.

"Shunga ka?" sagot ko naman sa kanya.

"Bes," narinig ko na lang ang boses na pamilyar sa akin.

"Oh, ikaw pala 'yan, bes," napatayo ako sa pagkakaupo at hinarap siya.

"Speaking of the devil," bulong ng CEEra ulo. Narinig ko 'yon, ha! Hay naku!

"Ano'ng ginagawa mo dito, bes?" tanong ko.

"Ah, napadaan lang at galing akong Mcdo, binilhan ko si Cheska ng pagkain. Ikaw ba, bes?" Wow, how sweet naman! Kainis!

"Ah, eto may kinakausap lang," kaaway ko lang 'yan kanina tapos nakapag-heart-to-heart talk na kami. How weird!

"Ehem, ehem..." singit ng CEEra ulo. Papansin naman oh!

"Bes, ito nga pala si Cee, bago kong kaibigan. Cee, si Kenneth best friend ko," pagpapakilala ko sa kanila sa isa't isa.

"Nice meeting you p're, teka, parang familiar ka," sabi ni bes sa kanya at nagkamay pa sila.

"Familiar?" tanong ni Cee sa kanya. Sumingkit tuloy 'yong mga mata niya sa pagtataka.

"Parang naka-inuman kita last year sa bahay nina Cheska,"

"Cheska Villonco?" tanong ni Cee.

"Oo, do'n nga," simpleng sagot ni bes.

"Ikaw pala ang boyfriend niya ngayon, I see," wait lang, so, kilala pala niya si Cheska? Oh no!

"Christian Paolo "Cee" Villonco nga pala, kuya niya," nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat sa naririnig ko.

Ano? Kapatid niya si Cheska? Gano'n na ba talaga kaliit ang mundo? At talagang sa kuya niya pa ako nakapag-confide. Ayos din ang tadhana! Buwisit ka!

"Ikaw pala si Kuya Cee?" tanong ni bes.

"At your service," tapos ngumiti pa siya.

"N-nice meeting you, Kuya Cee,"

"Sige, bes, una na 'ko," sabi naman ni bes na halatang na-intimidate sa presensiya ng kuya ng girlfriend niya.

"'Wag p're, bata ka pa," sabi ni Cee. Pasaway na 'to!

"Hoy, Cee!" saway ko.

Napakunot ang noo ni bes sa sinabi ni Cee pero hinayaan na lang din niya at umalis na.

"Joke lang p're, ingat!" bawi niya.

Pupunta pa siya kina Cheska tulad nga ng sinabi niya kanina. Dadalhan pa niya ng pagkain. Pesteng buhay 'to!

"Siya pala 'yon! Si best friend," halata sa boses ni Cee ang pang-aasar.

"Siya na nga," simpleng sabi ko habang tinitingnan ang imahe ng kaibigan kong unti-unting nawawala sa paningin ko.

"Mukhang mapagkunwaring mabait lang naman. Parang mas mabait pa 'ko," sabi niya at ngumiti pa sa akin. Hinampas ko siya sa braso niya dahil sobrang kulit.

"'Wag ka ngang makapal, best friend ko ang pinipintasan mo," hindi naman siya gumanti ng hampas.

"Correction ex na kunwari ay best friend," aray! Ipagdikdikan ba ang katotohanan?

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now