JOAN
No'ng umalis si Bes ay bumalik na ako sa kuwarto. Hindi ako mapakali kaya umupo ako sa kama ko. Natulala ako sa hangin at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Badtrip naman oh!
Sino bang puwede kong makausap? Nasaan kaya si Nika? Siya kasi ang ka-close ko sa aming tatlo.
Si Jonika "Nika" Marie dela Vega ay bunso sa aming 3 magkakapatid. 13 years old siya at nasa grade 7. May mahabang itim na buhok, bilugan ang mga mata, hindi gano'n katangos ang ilong, fair skinned, manipis ang mga labi, hindi gano'n katangkad. May mature siya na isip sa love at life dahil na rin sa rami ng kaibigan niya. Kaya naman pumunta ako sa kwarto nila at kumatok sa pintuan.
"Oh, ate? What do you want?" tanong ni Belle na nagbukas ng pinto. Share kasi sila ng kuwarto.
Speaking of the maldita. Si Jobelle "Belle" Marie dela Vega nga pala ang sumunod sa akin, 15 na siya at grade 9 student. May pagkaseryoso at nakaka-nosebleed kausap dahil bukod sa kadalasan ay English speaking siya, e 'yong mga terms niya ay sa dictionary mo lang mahahanap dahil kung ang karamihan ng kabataan ngayon ay naaadik sa social media, siya naman ay adik sa textbooks about Chemistry, Physics, Neuroanatomy, Psychology at kung ano-ano pa.
"Nand'yan ba si Nika?" tanong ko sa kanya. Wala akong kabuhay-buhay dahil ang saklap ng nangyari sa akin.
"Nope! Out with her chums," ano raw? Pagkain ba 'yon? Pero bakit nasa labas siya kasama ng pagkain?
"Sino'ng kasama?" tanong ko tapos ngumisi siya.
"Friends, duh!" umirap pa ang bruha.
"Chums, chums, akala ko pagkain," bulong ko at bumalik na lang sa kuwarto.
Ay, naku! kaya hindi kami close nito e, pagsasalita pa lang wala na! para na siyang alien sa akin.
How I wish nandito ang mga sistars ko na sina Meg at Rie dahil siguradong maiintindihan nila ako at matutulungan nila ako sa nangyayari. E pero wala kasi sila at nasa States dahil do'n na nag-aral. E 'yong mga ka-close ko naman sa klase ngayong college busy rin sa co-curricular.
Ah, alam ko na!
From: Me
Cee! Kailangan natin mag-usap. Nasa'n ka?
From: CEE
Nandito ako sa Mcdo. Wait kita😊
'Di na ako nag-reply at agad na lang pumunta kung nasaan siya.
Pagdating ko sa lugar ay naupo ako at nagsimula agad sa chika ko.
"Hoy, Cee, alam mo na bang buntis-" naputol ang sasabihin ko dahil dinugtungan niya.
"...si Cheska? Oo, alam ko," sabi niya.
"Kinausap mo ba?" tanong ko.
"Ganito ang nangyari kanina..." panimula niya at seryoso pa ang mukha.
"Tama ba ang narinig ko? Buntis ka?" tanong daw niya kay Cheska.
Napatigil si Cheska sa pagsasalita dahil may kausap siya sa phone. Maya-maya ay ibinaba na niya 'yon at tumingin sa kanya.
"Ano bang pakialam mo?" balik na tanong ni Cheska.
"Alam na ba 'yan ng boyfriend mo?" umiwas siya ng tingin.
"Ayokong pag-usapan,"
"Alam na ba 'yan nina Mama?" tumalikod na raw sa kanya ang kapatid.
"Hindi ka ba makaintindi ng... ayaw kong pag-usapan?" ang taas na ng boses ni Cheska pero pinipigilan daw ni Cee ang sarili na magalit dito.
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
