CHAPTER 30

314 4 1
                                        

JOAN

Valentine's day na! Ano'ng meron? Hindi ko pa alam dahil hindi pa ako bumabangon kahit may pasok ngayon, eh kasi, maaga pa naman. Narinig ko ang phone ko na nagri-ring.

"Hello?" sagot ko.

(Nasaan ka?)

"Nandito sa k'warto."

(Wala ka d'yan, sure ako.)

"Nandito kaya ako."

(Wala, dahil nasa puso kita.)

Ang agang bolahan naman yata nito!

"Korni! Bakit ka ba tumawag? Maaga pa ah,"

(Sudunduin kita ngayon dahil ihahatid kita sa school, hintayin mo ako, ah?)

"Bakit?" tanong ng pa-demure kong sarili.

Valentine's day ngayon kaya niya ako ihahatid. Ano ba 'yan? Okay, tama na muna ang assume at baka masawi pa.

Noong naisipan ko nang bumangon, nag-ayos ako ng sarili tapos 'pag labas ko sa sala, nadatnan ko sina sistar Meg at Rie na may dalang cake at ice cream.

"Oh, sistar? Ang aga n'yo yata," bati ko sa kanila.

"Happy Valentine's day, sistar!" sabi nila nang sabay, ang sweet talaga ng mga best friends ko at nag-abala pa.

"Happy Valentine's day rin, sistars," sagot ko at nginitian sila parehas.

"May pasok ka?" tanong ni Meg.

"Wala, naka-uniform nga ako eh," pang-aasar ko.

"Wag ka nang pumasok," sabi ni Rie.

"Bad influence lang, sistar?" tanong ko at tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Valentine's day naman," sabi ni sistar Meg.

"Di ko naman p'wedeng sabihin sa prof ko na, 'Sorry Sir, Valentine's day po kaya walang pasok,' 'di ba?" natawa sila sa sinabi ko at hinayaan na ako.

"Sige na, pumasok ka na, hindi ka pa rin nagbabago! Hatid ka na kaya namin?" tanong ni Rie.

"No, thanks, may sundo ako," ang taray no'ng may sundo effect! Ngayon lang may ganap sa araw ng mga puso, lulubusin ko na. Sakto,may bumusina na sa labas.

"Ooh, nand'yan na ang sundo n'ya!" sabi ni Rie at nagbeso pa sa akin bago ako lumabas. 'Pag labas ko, si Cee ay nasa may gate na namin.

"Good morning, Mojow!" sabi niya kasabay ng isang malaking ngiti, pati mata nakangiti.

"Good morning, Cee," sabi ko at nginitian din siya.

"Tara?" tanong niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

"Ang saya mo naman yata?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw na makita mo ang bumubuo sa araw mo ng ganito kaaga 'di ka ba naman magiging masaya?" sabi niya tapos tumingin sa akin. Naku naman, oh, napapangiti ako ng wala sa oras.

"Tapos ngingitian ka pa ng pagkatamis-tamis," sabi pa niya kaya napangiti na nga ako nang tuluyan, namula pa tuloy ang pisngi ko kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Hoy, Mojow, 'wag masyadong kiligin, namumula ka," sabi niya tapos tumawa nang malakas.

"Hindi, kaya," pagde-deny ko kahit ang totoo, nakakikilig talaga. Hinawakan niya ako sa balikat at inalalayan pagpasok ng kotse.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now