JOAN
Sabado na pala. Bigla kong naalala 'yong nangyari sa Batangas. Niyakap ako ni Cee! Oh my gosh!
Ako nga pala ang yumakap sa kanya, technically. Bakit ko ba naman kasi ginawa 'yon? Naku! Baka kung ano nang inisip no'n. Eh sa natakot ako dahil akala ko mamamatay na ako sa pagkalunod, marami pa akong plano sa buhay!
Speaking of Cee, nasaan na nga kaya 'yong bracelet na binigay ng Mama niya sa akin? Hindi ko talaga makita kahit kung saan-saan ko na hinanap.
'Di kaya naiwan ko sa Baguio? Oh, no! Paano ko naman mababalikan kung naiwan ko sa napakalayong lugar? Eh kung hindi ko naman mahanap e, kaya ko kayang humarap kay Cee at sa Mama niya para sabihin na nawala ko 'yong regalo? Pero hindi rin siguro naiwan sa Baguio, ano? Think positive na lang at mahahanap ko rin 'yon.
Anyway, after lunch ay humiga muna ako sa kama at nagbasa ng libro. Nasa magandang part na nga ako at ramdam ko na ang feelings ni Tiffany! Ito 'yong binigay na libro sa akin ni Cee no'ng pumunta kami sa MOA. Balik sa book, napaka-intense na ng mga eksena at ako'y dalang-dala na sa mga kaganapan nang biglang...
"Ate!" may sumisigaw sa labas ng kuwarto ko, dedma lang dahil may sarili akong mundo ngayon kasi nga, maganda na ito, wait lang, hindi ako puwedeng abalahin. Busy ako, tuloy lang ako sa pagbabasa!
"Ate!" sigaw na naman niya. Bakit ba!
napaka-ingay no'ng nasa pinto? Nakakainis!
"Busy ako!" sigaw ko at para bang pagtataboy na rin sa kanya.
"Ate, may lakad pa tayo, nakalimutan mo na ba?" sigaw niya, si Nika pala ang nasa labas. Hindi ako sumagot.
"Ate! 'Pag ako walang inabutan do'n na Yani at KK, makikita mo ang hinahanap mo,"
"Makikita na pala eh, bakit ko pa hahanapin?" pambibuwisit ko.
Naku! Ngayon nga pala 'yong mall show na usapan namin sa sasamahan ko siya. Nakalimutan ko na or better yet, kinalimutan ko na. Spell, nakatatamad!
"Mee, nand'yan ka pala, alam mo ba si ate, nakita ko kaya-" simula niya.
Nagsusumbong na ang bruha kay Mommy, nabitiwan ko tuloy 'yong libro na hindi nalagay ang bookmark! Run! Ninja moves! Binuksan ko agad ang pinto, bago pa isiwalat ng bunso ang pinatago kong lihim pero mag-isa lang naman siya sa harap ng pinto ko. Aba, magaling!
Pang-asar 'yong mukha niya, tipo ng mukha na mahahampas mo sa sobrang asar! Ang bilis talaga niyang mag-isip ng paraan para mapalabas ako.
"I knew it, sabi ko na nga ba at lalabas ka rin," sabi niya.
"Tinatamad ako," pag-amin ko sa kanya. Seryoso ako na mas gusto ko pang magkulong sa kuwarto at magbasa ng libro kaysa makigulo at makipagsiksikan sa mall para manood ng mga artista na kumakanta at sumasayaw at madalas naman ay naglolokohan lang dahil naka-lipsync.
"Pero ate, nagpramis ka sa akin, sa harap ni Mommy," seryoso na ang itsura niya. Halatang gusto talaga niyang pumunta sa mall show na 'yon.
"Eh, kasi nga nam-blackmail ka," 'di ko napigilan sabihin na sabihin ang totoo.
"Eh,' yon lang ang paraan, salamat sa pagyakap kay Kuya Cee dahil masasamahan mo ako ngayon," nang-aasar siya pero seryoso pa rin ang mukha, lintik 'yan, inulit pa talaga niya? Nag-blush tuloy ako ng wala sa oras.
"Ewan ko sa'yo," sabi ko.
"Ay, naku, ate, don't worry, hindi ka masisiksik do'n, may kasama ka namang bouncer, parating na raw si Kuya Cee, tara, magbihis ka na at aalis na tayo."
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
