"Hindi pala, ha?" sabi ko at hindi napigilan ang tawa.

"Bro, I think your stomach needs food, too," pang-aasar ni Philip. Namula tuloy si Cee sa hiya pero bumanat pa rin siya.

"Sabi ko nga, tara na."

Ako na ang tumawag kina Phoebe at Ken na kasalukuyang nasa kuwarto pa rin, tulog dahil sa pagod. Pumunta na kami sa the Mansion at kung saan-saan pa. 

Ang dami kong nakitang mga halaman at mga bulaklak, mga tangke at 'yong swan na puwedeng sakyan. Pero ang pinakamahalaga ay kumain kami sa isang barbecue house.

"Thank you, Kenneth, for being such a kid and hide here in Baguio," bulalas ni Phoebe nang makaupo na.

"Phoeb!" saway ni Philip. May pagkataklesa talaga siya e, malapit na akong masanay.

"No, I mean, we can't have this chance to be together, 'di ba?" sabi niya na parang humihingi ng pagsang-ayon sa amin.

"Kung sabagay, may point ka, wala sana tayo rito ngayon kung hindi pinangunahan ni Ken," pagsang-ayon ko.

Ang sarap ng pagkain dito. Gusto kong mag-take out. At nangyari naman dahil nag-takeout si Philip! Naramdaman yata na nagustuhan ko ang pagkain.

Pumunta rin kami sa isang ice cream shop sa 'di kalayuan, na-curious kasi kami sa shop.

"Oh, my gosh, Kuya, this place is super cute. I will tell Mommy that I need to have my room re-decorated real soon," pero katatapos lang gawin ang bahay nila?

'Yong lugar kasi ay korteng ice cream na nasa cone sa labas. Sa loob, 'yong mga upuan ay sofa na magkatapat tapos may table sa gitna. Kung baga ay booth-type siya. 

Ang pinagkaiba lang ay pink, blue at green ang color theme ng lugar.

May mga nakasabit na frames sa paligid na may mga pictures ng iba't ibang klase ng ice cream. Napapangiti ako sa mga nakikita ko. Ang daming kawaii characters sa mga dingding.

"Guys, what do you want to order?" tanong sa amin ni Philip habang nakatingin kami lahat sa menu nila.

"Banana split supreme na lang sa akin," sabi ko.

"Okay, how about you, Cee?" tanong uli niya.

"Coffee marble with brownies," sabi ni Cee.

"Alright, and you, Kenneth?"

"Mango tower," sabi nito.

"Okay, Phoeb?"

"Hmm... I want blueberry cheesecake parfait. No, I want a strawberry with KitKat. No, I mean blueberry cheesecake. Gosh, I can't decide. Both looked delicious," sabi nito.

"Decide now,"

"Okay, I'll just stick with strawberry with Kitkat."

"Okay, it's my treat."

"Ayos!" sabi ni Cee. Sabagay, wala pa namang trabaho itong si Cee kaya masayang makalibre.  Pero maganda at malaki naman ang bahay nila, wala ba siyang pera o sadyang kuripot siya? Pero sa Mcdo nga, grabe siyang manlibre, nakahihiya kasi kay Philip.

"Puwede naman naming bayaran, Philip," sabi ko.

"No, no, it's okay," sabi niya.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang mga order namin. Nag-picture muna kami para sa remembrance tulad nang ginawa nila kanina sa mga pinuntahan nila.

Hindi nagtagal ay nagsimula na kaming kumain. Hindi ko namalayan na may dumi na pala ako sa labi. Ang sarap kasi ng order ko. Hindi ko agad napansin, si Philip pa ang unang nakapansin.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now