"Oh, I see, sounds good to me. We'll take it,"

"Card or Cash, Sir?"

"Card," sabi ni Philip at inabot ang kanyang card sa babae.

Pagkatapos ilagay no'ng babae 'yong card information ni Philip sa system ay inabot naman niya 'yong room keys.

Nabaling naman ang atensiyon ko kina Ken at Cee. Nag-o-observe lang ako sa kanila. Pagod ako at tinatamad magsalita.

"Tulala ka r'yan, Kenneth! Iniisip mo pa rin ba 'yong baliw kong kapatid?" pag-uusisa ni Cee kay Ken.

"Oo, Kuya Cee, hindi ko kasi alam kung paano na kami pagbalik ng Royce, sabi ko kasi sa kanya e tapos na kami."

"Alam mo, kung tatanungin ako, ang solusyon lang d'yan ay harapin mo s'ya, kung hindi mo naman sinasadya 'yong sinabi mo, e 'di sabihin mo, nabigla ka lang at binabawi mo na," sabi ng makulit na si Cee.

"E pano kung hindi n'ya tanggapin na hindi ko 'yon sinadya?" nagbuntong hininga si Ken.

"Maghanap ka ng iba," sabi ng CEEra ulo. Aba! Ayos din 'tong maka-advice ah. Irapan ko nga, sinigurado ko na nakita niya.

"Joke! Kaya mo 'yan, kaunting paliwanagan lang 'yan," bawi ni Cee. Sisingit sana ako sa kanila pero biglang lumapit na sa amin si Philip.

"Guys, let's go," sabi niya.

"Sige, tara na at gusto ko nang magpahinga," sabi ko.

"Sige, pero guys mamaya, punta tayong the Mansion, ha?" sabi ni Cee.

"Sure," sabi ni Philip.

Habang naglalakad kami papunta sa suites, tinanong ko si Philip kung magkano ang share namin nina Cee, pero sabi niya, siya na ang bahala. Nahiya talaga ako kaya nagpasalamat ako nang marami.

Nakarating kami sa suites, kumpleto ang gamit, para lang kaming nasa bahay. Mas maganda pa nga 'to sa bahay namin.

Pero grabe! Napagod talaga ako sa mga nangyari kanina kaya naman nang pumasok kami sa kuwarto at nakita ko 'yong kama, para akong sineduce ng kama na lumapit sa kanya.

Nagpa-seduce naman ako dahil paghiga ko, hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog basta ang alam ko, masarap ang tulog ko.

Ang lambot ng kama tapos parang marshmallow ang mga unan kaya naman hindi ko namalayan ang oras.

Paglabas ko ng kuwarto, nakaupo si Philip at Cee sa sofa at nanonood ng TV.

"Ano'ng pinapanood n'yo?" tanong ko.

"Oh, gising ka na pala," sabi ni Cee sa akin.

"Nice one, Lebron!" sigaw ni Philip sa pinapanood sa TV.

"Tulog talaga ako, sleep walking lang," sabi ko. Inaasar ko talaga siya.

"Baliw," sabi niya at napatawa naman.

"Engot! Nakita mo naman na nandito na ako e," basketball pala ang pinapanood nila sa TV.

"Sorry naman," sabi niya nang tumingin sa akin tapos ibinalik din ang tingin sa TV.

"Joke lang, ano? Pupunta pa ba tayong the Mansion?" tanong ko.

"Yes, we're going soon. Are they up now?" tanong naman ni Philip nang hindi inaalis ang tingin sa TV.

"Oo, gutom na nga kami e," sabi ko.

"Ako, hindi pa naman," sabi ni Cee na biglang kumulo ang tiyan at narinig namin.

It Started with a McFLOATWhere stories live. Discover now