CHAPTER 21: The Preparation

Start from the beginning
                                    

Ala una nang magsimulang magbyahe ang Moonlight Pack. Sa bored ni Lexa ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa balikat ng kapatid na si Yxan.

Vaughn Village

Nasa sariling opisina niya si Tyler at naghahanda ng mga dadalhin sa pagbyahe patungong Seymour Village.

*knock knock*

Napaangat ang ulo ni Tyler at napalingon sa pintuan kung saan ay may kumatok.

"Come in." Utos niya.

Sa pagbukas ng pintuan ay iniluwa nito ang seryosong si Beta Horace.

"The car is ready Alpha." Pagbibigay nito ng impormasyon.

Napasulyap si Tyler sa relo na suot niya at mag aala-una na pala. Kaya kinuha na niya ang isang maliit at kulay itim na bag.


Isinukbit niya ito sa kanang balikat at naglakad na patungong pintuan at tinapik sa balikat si Beta Horace.

"Watch the pack while I'm away." Sabi nito nang lagpasan niya si Beta Horace.


"Are you sure? Ikaw lang po mag-isa ang aalis Alpha?" Nakasunod sa likuran niya si Horace.


"Pang-ilang katanungan muna iyan, Beta Horace." Naiiling na sabi ni Alpha Tyler.

"Naninigurado lang ako Alpha Tyler." Sagot naman nito at napabuntong-hininga.


Hanggang sa labas ng mansion ay nakasunod si Beta Horace kay Alpha Tyler na nagmamadali, aabutin kasi siya ng halos dalawang oras sa daan bago makarating sa Seymour Village.


"Beta Horace." Nagbabantang banggit ni Tyler sa pangalan ng kaniyang beta.


"Okay fine. Take care Alpha. Ako na pong bahala sa pack." Sagot nito na sumusuko na.


"Good. Babalik ako kaagad, may kailangan lang akong siguraduhin." Sabi ni Tyler bago sumakay sa sasakyan niya.


Seymour Village

Ala una na ng hapon ngunit patuloy pa rin sa pag-aayos sa venue ang mga taong lobo sa Seymour Village. Sinisigurado ng mga ito na perpekto ang paligid dahil iyon ang utos sakanila ng kanilang alpha, ang maging perpekto at maayos ang magiging takbo ng kasal ng nag-iisang anak nitong lalaki na si Dalton Seymour na kilala bilang isang suwail na anak at spoiled.

"Ito, doon dapat ilalagay. Tapos itong flowers, ilagay niyo sa gilid ng daanan. Ikalat niyo!" Utos ng nagsisilbing organizer ng kasal. Pati ito ay natataranta na rin dahil ginagahol na sila sa oras.


Nagkakandarapa na sa pagtakbo at paglakad ng mabilis ang mga nag-aayos dahil sa hindi na malaman ang gagawin sa dami ng trabaho.

"My god! Umayos kayo kung ayaw niyong malintikan kay Alpha Marion at Sir Dalton!" Sigaw ng organizer.


"Opo, Ginang Laurey." Sagot naman ng mga trabahador.

Habang sa mansion naman ng Seymour ay abala si Dalton sa pagsipat ng kaniyang kasuotan sa harapan ng malaking salamin.


Ang kasal ng mga lobo at kasal ng mga tao ay magkasingtulad lamang, may tinatawag lang na mating sa mga taong lobo.

"Dad!" Sigaw ni Dalton habang inaayos ang necktie niya.


"Yes, son?" Sagot naman ni Alpha Marion habang pababa ng hagdan.



"Anong oras darating si Harriet?" Tanong ni Dalton habang may ngiti sa mga labi. Sobra ang excitement nitong maipakasal sa kaniyang Mate na si Harriet Mallory.


"Before 5 pm." Sagot naman ni Alpha Marion.


"Can't wait to see her again." Masayang sabi ni Dalton at napapasipol-sipol pa habang naglakad palayo sa ama na napapailing nalang.



"My son. Dalton is in love. Deeply." Napapailing na saad ni Alpha Marion sa sarili at napangiti na rin sa huli.

Sinundan nito ang tinahak na daan ng anak habang binibilin ang mga tagapagsilbing nadadaanan niya.




Bertram Village

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Beta Pierre sa mga tauhan nila.

"Yes Beta Pierre." Sagot ng mga tagapagsilbi ng Bertram mansion.

"Good. Isakay na ang mga iyan, at mamaya ay aalis na tayo." Utos nito bago pumasok sa mansion.



Dala ang malapad na ngiting nakapaskil sa mga labi ay dumiretso siya sa itaas ng mansion, ang opisina ni Alpha Gordon. Sa pagkasabik ay hindi na niya binibigyang pansin ang mga yumuyuko at nagbibigay ng galang na mga taong lobo na nadadaanan niya. Masyado siyang masaya para bigyan ng atensyon ang mga ito.



Kumatok siya sa pintuan bago pumasok sa loob ng opisina ng alpha. Nakatalikod ang alpha sa pintuan, nakaharap ito sa bintana habang nasa likuran ang magkahawak na mga kamay. Seryoso ang pagmumukha ng alpha na pinagmamasdan ang paligid.


"Alpha Gordon." Pagkuha ni Beta Pierre sa atensyon ng alpha.



Dahan-dahan namang lumingon sa kaniya ang seryosong alpha.

"Nakahanda na po ang lahat." Nakangiting sabi ni beta Pierre.


"Hmmmm. Good." Sagot ng alpha at napangiti na rin.


"Let's go." Sabi ni Alpha Gordon at nauna nang umalis ng opisina habang nakasunod naman sa likuran nito si Beta Pierre.


"Make sure Beta Pierre na magiging maayos ang lahat." Seryosong sabi ni Alpha Gordon.


"Yes alpha Gordon." Nakangiting sagot ni Pierre.

Sumakay na sa backseat ng kotse si Alpha Gordon habang sa driver's seat naman si Beta Pierre. Naiwan sa mansion ang anak na lalaki nitong si Garrett Bertram. Sa lahat ng pack, ang Black Shadow Pack lamang ang walang Gamma o third in command dahil naiiba sila ayon sa sinabi ni Alpha Gordon noon, hindi nila kailangan ng Gamma dahil Alpha at Beta ay sapat na.



"This will be a great game." Puna ni beta Pierre habang nagmamaneho.



"Yeah." Sagot ni Alpha Gordon at lumingon sa bintanang nasa kanan niya.



"And this will be fun........ Can't wait to see blood path." Bulong ni Alpha Gordon sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan ang paligid na nadadaanan nila.

●●●

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now