37: The Truth

61 17 63
                                    



Red - Wounds

Orange - Cuts

Yellow - Weapons

Green - Bloods

Blue - Magic

Indigo - Grudges

Violet -Tears

Start with red end with violet

More wounds and you'll end up in lament. 

Nagising akong parang pagod na pagod. Masakit at nahihirapan ang aking mata na dumilat kahit hindi gaanong maliwanag ang silid. 

Sa kaunting sinag na tumatakas mula sa makakapal na kurtinang lila'y masasabi kong tanghali na.

Nagpunas ako ng mukha, nilinis ang ano mang dumi at nagsuklay ng buhok gamit ang aking mga daliri.

Nakatihaya akong tumingala sa kisame at pinagmamasdan ang mga linya at disenyo roon na pawang kinukulayan ng ginto.

Bumangon ako makalipas ang ilang minuto ngunit agad akong napadako sa aking katabi nang inabot ang aking tiyan at agad na pinulupot ang braso sa aking bewang.

"Rain..." tawag ko rito ngunit mas umisod pa ito palapit sa akin, inilublob ang mukha sa aking tagiliran at ipinulupot ang isa pang braso sa aking likuran.

"Gutom na ako," bulong ko.

"Sure," sabi nito at nag-angat ng tingin bago ito umalis sa kama at tumayong katulad noon— hubad baro, nagyayabang ng kanyang pangangatawan. Kumuha ito ng roba at naglakad muli palabas.

Ilang sandali ay bumalik itong may dalang lagayan ng mga pagkain.

"To my Princess." Nakangiting sabi nito.

Sa pagligo namin sa malaking batyang gawa sa porselana'y nakasiwang nang kaunti ang kurtina upang matanaw namin ang malawak na talon na nasa likuran ng palasyo. Mayaman ang mga Kalvautri sa mga sapa kaya't napakagandang pagmasadan ng mga iyon mula sa mataas na parte.

"Kailangan natin ng mas konkretong plano," sabi ko habang siya'y nasa aking gilid, nilingon niya ako habang nakapatong ang mga siko sa gilid ng malaking batyang aming pinaliliguan.

"Don't stress yourself princess."

"Paanong hindi? Makakalaban mo ang iyong ama."

"Well I think it's time for me to achieve the things I had in my mind as he let my mother strangle her neck."

Nagulat ako sa kanyang sinabi. 

Sa nanlalaking mata ay nilingon ko siya at buong katawan ko ang gumalaw upang harapan ito. 

Biglang nawala sa isip ko ang magandang tanawin sa labas.

Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

"You see Princess, my ancestry was so hungry of power and they believed for what the mages say. Evionoire's killed their most loved person in order for them to emerge with death."

Nagbukas siya ng usapin ukol sa pagkatao niya, malagim na parte ng kanyang buhay.

Nakakatawang isipin na pinakasalan ko siya na hindi inaalam ang kanyang totoong katauhan.

Dahil kahit may mga bagay na nakakapagtaka katulad noong araw na pinaglaruan siya ni Tavar at dinakip ni Revi pagtakatapos ay may mga askar na nagpakita at nagligtas sa kanya'y hindi ko nabigyan gaano ng pansin noon. 

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon