27: Violet- Is a Goodbye

149 68 131
                                    



Marahas ang aking pagbuga ng hangin nang tuluyan akong nakagalaw sa aking puwesto. Sa sobrang pagnanais kong makawala sa kapangyarihan ni Vriveta ay para akong napagod.

Napaluhod ako sa sementong sira-sira at pilit na hinahabol ang aking hininga, ngunit parang hindi mawawala ang pagbilis ng tibok ng aking puso kung ramdam ko ang bawat hampas ng hangin sa akin likuran.

Mainit iyon.

Para bang nagmumula sa isang...

"Ah!" malakas akong napasigaw at umatras, parang may naalala ako sa ganitong sitwasyon...

Noong makakita ako ng Rogomon sa kauna-unahang pagkakataon ay napapaatras din ako at sa sobrang panghihina ng aking mga binti ay hindi ako makatayo upang tumakbo.

Nanlaki ang aking mata nang bumuka ang bibig nito, nakita ko roon sa loob ng lalamunan nito ang namumuong apoy.

"Guiara." Sambit ko, napatakip ako sa aking bibig dahil sa pagtataka at bakit iyon ang aking nabanggit?

Isa pang ungol, ingay, sigaw at pagyanig ng aming kinalalagyan ang aking naranasan.

Dahil sa malaking wasak ng parte ng palasyo ay nakita ko ang mga halimaw.

Mga Rogomon, Muvale at Eruvun.

Naisara ko ang aking tenga sa malakas na ungol na iyon, napasigaw ako sa takot at kaguluhan sa aking isip, hanggang...

Naramdaman kong may mga brasong pumulupot sa akin mula sa aking likuran. At mas lalong lumakas ang ingay nila. Isang putting Rogomon na may pakpak ang nagsimulang maglakad palapit sa amin.

Isang apak pa lamang nito sa semento ay nawasak kaagad ito nang walang kahira-hirap.

"Amazte, huwag..." sambit ko, mas lalong sumasakit ang aking ulo sa tuwing nagsasabi ako ng mga salitang wala sa aking kontrol.

"I'm here... Princess... I'm here." iyon ang mga bulong ng pamilyar na boses, walang ano'y mabilis akong kumapit sa mga brasong mahigpit na para bang pinoprotektahan ako.

Nang sinakop niya ang aking likuran at pang-upo upang itayo ay muling nag-ingay ang mga nilalang.

"Tama na... tama na... nakikiusap ako." Paulit-ulit kong sabi habang mahipit ang aking hawak sa batok ni Rain at mariing nakapikit upang hindi ko makita ang halimaw.

Naramdaman ko ang paglalakad nito, hindi ko alam kung saan kami papunta ngunit napagtanto ko rin kung nasaan kami nang naramdaman ko ang paglapag niya sa akin sa malambot ng kama.

Yumukod siya habang nakatukod ng kamay sa kama. Nakatitig sa akin at ganoon din ang aking ginawa. Parang hinihintay lang naman na humupa ang matatapang na paghinga ng mga nilala sa labas ng silid na ito.

Kung panaginip mang makita siya rito ay parang ayaw ko munang gumising, kanina lang ay dinala siya sa kung saan ni Vriveta palayo sa akin, nanghihina siya kanina hanggang sa nawalan ng malay.

Kaya't napakaimposible namang nandirito siyang muli.

Inabot ko ang mukha niya. Parang totoo, nahahawakan ko siya, sinundan ng aking hintuturo ang kilay nito ibinaba ko iyon sa kanyang talukap, papikit ito.

I've never been so intimate before, we married each other but we've never stayed that long together and letting myself right now while drawing lines on his beautiful face is a privilege I refuse to ignore.

Ten years after, we keep fighting, cutting and slaughtering each other like madmen, certainly we are madmen... we're foolish because after assassinating one another we also ended up healing the wounds we made.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon