18: Blue- Dyed tears

138 72 86
                                    


'Tears will never subdue, tears will only dry but it will always fell, when after a promise is a lie. She was betrayed, he never did. She was full of anger, he was full of sorrow. She wants revenge, he wants love. She wants him dead, he wants forever with her. She never knew because he can never tell.'

"Rain..." napahinto ako sa aking pagtakbo, nang makita siya sa silong ng isang malaking puno, di kalayuan sa nag-iingay na sapa ngayon.

Matamis ang ngiting isinalubong niya sa akin, ngiting kahit madalas na hindi ko nababasa ang emosyon niya ay alam kong sa oras na ito, may dalasiyang balitang hindi ko na naman papaboran.

"Maligayang kaarawan Diwani, pasensiya na kung ngayon ko lang nasabi—"

"Tara na, saan tayo pupunta?" hihilahin ko na sana ang kanyang braso nang iniwas niya iyon sa akin, agad na nangunot ang aking noo.

"Hindi ako magtatagal Diwani, aalis din kaagad ako." Nag-iwas siya ng tingin nang titigan ko siya ng nagtataka at nagsisimula ng mainis.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Diwani." bumuntong-hininga siya, "Kailangan ko munang— umalis, babalik ako, gagawin ko pa rin ang plano—"

"Ano ba talaga ang plano mo?!" hindi ko na napigilan ang aking galit.

"Makinig ka muna—"

"Ilang beses akong nakikinig sayo Rain! Ilang beses akong sumunod sa mga plano mo, at sa bawat pagtiitwala ko sayo, binabali mo na lang palagi! Kailan mo ako kukunin dito, kailan mo ako ilalayo rito?" pagsigaw ko na para bang responsibilidad niya ako.

"Hindi maari sa ngayon Diwani, kailangan kong—"

"Kailan?" nawalan na ako ng pasensiya, nauubusan na ako ng pagkakataon habang nagtatagal ako, lalo na at narinig ko na kagabi ang opisyal na araw ng aking kasal sa Diwano.

Matagal itong hindi nakaumang sa aking tanong, pakiramdam ko matatagalan pa iyon.

"I need to do this without declaring a war from your disappearance. Gagawa ako ng paraan upang hindi magkagulo Diwani, kailangan kong umalis muna upang maisakatuparan ko ang aking plano."

"Ano nga sabi ang plano mo?" malamlam na ang kanyang titig.

"Sa bawat umaga pagkatapos ng ulan, pumunta ka rito. Babalik ako, pangako."

Tapos na ang usapan, nakatulala akong bumalik sa palasyo na ngayon ay parang humupa na ang kaguluhan.

Nang lingunin ko ang burol ay nakita ko ang nawawalang bahaghari, kaya pala ay para silang nabunutan ng tinik, nagpakita ang bahaghari ngayon.

Tulala ako habang iniisip kung paano akong nagtitiwala kay Rain, na kung tutuusin ay hindi ko siya lubos na kilala, wala akong alam sa tunay niyang pagkatao, pero nandoon ako kanina handa ng sumama sa kanya, handa ng sumunod at magpakasal sa kanya, para lang muling umasa at mapangakuan.

"Magandang araw Diwani, tunay ngang napakaganda mo ngayong nakita kita sa malapitan." Matamis na ngiti ang iginawad ko sa ginang na dugong-bughaw, malayong kalahi ng mga Vezemiedo.

Itinaas niya ang kalis ng kanyang inumin at ganoon din ang aking ginawa, ilang mga tauhan pa ang bumati sa akin, hanggang sa nakita ako ni Revi, agad siyang lumapit sa akin at hinapit ang aking bewang.

Ito ang huling gabi ng pagdiriwang para sa aming kasal dalawang araw mula ngayon.

Isang buwan na mahigit ang lumipas, ngunit paulit-ulit lamang ang sinasabi ni Rain.

Hindi pa naayon ang plano ngayon.

Kailan ang plano niya, magpapakasal muna ako sa Diwano, bago niya ako itakas ngayon?

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon