22: Indigo- How do these end

111 55 48
                                    

How will vengeance end when it was never meant to be attained?

How will questions end when it wasn't clearly answered?

How will answers end if it doesn't satisfy the person who asked it?

I... I didn't know how to end it without killing more and without being killed.

Because I don't want to die, not because I'm afraid but because I wasn't able to show every little bit of the feelings I have felt for years.

But I know, these will only end if I'd be covered in blood.

"Anong nangyayari?" nabulabog ang Valasdaco, ang daungang kampo ng Kampuz De Vezemiedo sa malakas na pagsabog kinagabihan at nagpapatuloy iyon kinabukasan, buong gabi kong hindi nakita si Rain.

kahit hindi na magkandaugaga ang mga tao sa pagtago, ang iba'y naghahanda na sa pag-alis sa lugar, at iisa lamang ang direksiyon na kanilang tinatahak.

Mukhang mayroong kinakatakutan at mula iyon sa kaliwang bahagi.

Napapatanong ako sa aking sarili kung may mas ligtas pa ba na lugar bukod rito?

Mabilis kong kinuha ang aking espada na gawa sa kalasag ng Rogomon, bago ako makalabas ay isang malakas na ungol ng nilalang ang sumunod na nag-ingay.

Kasunod niyon ay pag-ugong ng lupa na para itong nagwawala, parang galit na galit ang sigaw ng halimaw.

Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao.

Nasindak ako sa aking nakita, may mga duguan, mga taong nagkakagulo, mga batang umiiyak, mabilis kong tinulungan ang batang babaeng umiiyak ngunit bago ko pa man ito mabuhat ay kinuha ito ng ina nitong hilam ng luha ang pisngi.

"Anong nangyayari?"

"Sinusugod na tayo ng mga dayuhan, nagising ang mga nilalang sa gubat!" hindi ko maintindihan iyon, bago pa niya masagot ang susunod kong itatanong ay napayuko kami sa biglang paggalaw ng lupa kasabay ng isang pagsabog ay sinundan pa ng isang sigaw ng mga nilalang sa pagkakataong ito, hindi na lamang isa iyon, ngunit marami na.

Hindi agad pumasok sa isip ko ang nangyayari ngunit nang makita ko ang mga taong nagkakagulo, duguan, ang pagsabog sa di kalayuan, at usok na nagmumula sa kabilang lugar kung nasaan ang palasyo ng mga Vezemiedo. Parang nagsasabi sa aking mayroong masamang nangyayari.

Isang digmaang hindi ko inaasahan at masasaksihan.

"Rain!" hinanap ko siya gitna ng kaguluhan, ngunit nadadala ako sa direksiyon kung saan papunta ang mga tao ngayon.

Natatamaan ako at naitutulak, hanggang sa hindi ko na kinaya at natumba na ako, natatamaan ako at naapakan, itinakip ko sa aking mukha ang aking mga braso.

"Cyanna!"

"Rain!" pinilit kong tumayo, nakakaramdam na ako ng sakit mula sa mga natatanggap ko sa nakakaapak sa akin.

Nagsiyukuan ang lahat nang muling sumigaw ang isang nilalang, ramdam kong mas malapit at mas nakakabingi na ang sigaw niyon.

"Cyanna!" sa kabila ng ingay ay naririnig ko si Rain ngunit hindi niya ako marinig.

Biglang dumilim ang kalangitan at isa pang sigaw muli sa isang nilalang.

"Isang Eruvun!" sigaw ng ibang tao, dahil doon ay nagsiyukuan ang iba at ang iba'y nagsitakbuhan pang lalo, sukat roon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tumayo.

"Cyanna! Huwag!" ngunit sa aking pagtayo ay sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin mula sa isang napakalaking pakpak, mula sa isang...

Nanlaki ang aking mata sa nakita.

Hindi na ako nakaumang pa nang mabilis niyang hinablot ang aking katawan gamit ang malalaking sipit ng ulang, napasigaw ako sa sakit ng malalaking kuko nitong sumugat sa aking tiyan.

"Cyanna!"

"Rain!" hindi ko siya makita ngunit naririnig ko siya, naramdaman ko ang pagtaas ng nilalang na sobrang laki na parang ibon na singwangis ang pakoak ng paniki, at singtulad ang bibig ng butiki, ngunit mas malaki ito, may pakpak... isang Eruvun.

Halos tumama ang itsura nito tulad ng mga alamat na aking nababasa't naririnig.

"Rain!" lumiliit na ang sigaw ni Rain, naramdaman ko ang biglaang pagilid ng Eruvun, pinapatamaan nang kung sino ma ang nilalang laban sa dumukot sa akin.

Mas lalo itong tumaas, mas lalo itong lumalayo, nabibingi ako sa sigaw ng halimaw na tumangay sa akin, ngunit mas nanaig sa akin ang takot... natatakot ako dahil palayo ako nang palayo kay Rain.

"Rain!" sigaw ko sa aking isip, hindi ko na uubusin ang aking lakas dahil alam kong kahit isisgaw ko pa ang pangalan niya ay napakalayo ko na upang matulungan niya ako.

Masakit ang aking buong katawan.

Naramdaman kong matigas ang aking hinihigaan at hindi ko gaanong maigalaw ang aking kamay, ni hindi ko maiangat ito dahil sa matinding sakit.

Sumubok akong umungol ngunit pati iyon ay hindi ko gaanong magawa nang maayos.

"Tu...long..." sinusubukan kong lakasan ang aking paghingi ng saklolo, ngunit iyon lamang ang aking kinakaya.

Nais kong sumigaw nang magulat ako sa isang buga ng hangin kasabay ng malakas na ungol sa akin na halos napagilid ako sa aking pagkakatihaya.

Napakalas niyon na halos nabibingi na ako, inulit pa ng halimaw ang pag-ungol na parang nagtutunog galit na galit.

Tahimik akong napaiyak.

Wala akong magawa para iligtas ang aking sarili, hindi ako makabangon.

Sa muling pag-ungol nito'y nasundan ng iba pang ungol, sunod-sunod iyon, pakiramdam ko'y napakarami nila sa aking likuran, hindi ko maintindihan kung bakit ako nandirito... ngunit isa lamang ang aking naisip... maaring ako ang susunod nilang pagkain.

"Sang dewi akan bangun ..." iyon ang aking narinig matapos ang nakakabinging ungol ng mga halimaw, nais kong lingunin ang sino mang nagsalita dahil nakakasiguro akong boses iyon ng isang babae.

"Tolong tenanglah dewi Dyanna." naramdaman ko ang palad na humaplos sa aking ulo, sumambit ako ng salita ngunit hindi ko na marinig ang aking boses.

"Batuan besar Hermouna dicuri, Dewi Renee menangis dan jika dewi dendam mendengarnya, dia akan segera bangun. Kita harus menghentikannya kegilaan sebelum menyerang."

Iyon ang mga huling salitang aking narinig bago ko naramdaman ang matinding init sa aking katawan.

Singtulad ng sinusunog ang loob niyon at para akong sasabog, napakatinding kirot niyon na hindi ko kinakaya, butil-butil na ng pawis ang namumuo sa buong katawan ko, doon lumabas ang sigaw kong napupuno ng sakit at pagmamakaawa.

Ngunit mas lamang doon ang matinding galit na hindi ko alam kung saan nangagaling, galit na galit ako.

"The Goddess will be awake."

"Please be calm Goddess Dyanna."

"The great rocks of Hermouna was stolen, Goddess Renee was crying and if the Goddess of Grudges hears it she will soon be awake. We should stop her madness before it assaults."

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon