35: The Witch and the Dog

80 27 75
                                    



Tama nga si Tavar kami ang ginawang pain sa pagsugod ngayon. Apat kaming ipinasugod nang palihim sa palasyo. Hindi ko alam kung saang parte ang grupo nina Ralvar o baka hindi sila sumugod at hinihintay lamang kami upang makita ng Master ang aming gagawin.

Dahil ito ang palasyo ng mga Kalvautri noon kaya alam ni Tavar ang mga lihim na daanan ngunit lahat iyon ay bantay sarado. 

Ngayong gabi ay magkakaroon ng maliit na salo-salo ang mga Haring Evionoire kasama ang apat na pinuno sa kaharian. Ang Tefiere, Lwasuz, Valuartiz at Benazore.

Kaya't bukas ang palasyo para sa mga palangking pumapasok, ngunit napakahigpit ng mga tagabantay, palalabasin muna ang mga maharlika at dugong-bughaw sa loob ng palangkin at sinisilip ang bawat sulok kahit na ang ilalim nito.

'Guiara,' sambit ko sa pangalan ng malaking Eruvun. '

Gazmuz.' Nakarinig kami ng alulong na siyang nagpamangha sa akin. Anim na oras ang lumipas matapos ko silang subuking kausapin sa aking isip ay nagtagumpay ako. Hindi ko alam kung paano ko iyong nagagawa.

Noon ay aabutin ng buwan ang paglalakabay mula sa ibang lupain lalo na sa layo ng Vezemiedo at Kalvautri. 

Nang dumating ang mga Evionoire ay itinuro nila sa mga Tefiere ang makinaryang magpapabilis sa isang barko kaya't kung gaano kabilis ang biyahe ng modernong barko ay ganoon din kabilis ang aking mga kaibigang Eruvun at Rogomon. Ramdam kong nagtatago ang mga ito sa malalaking puno siguro'y si Guiara sa burol nagtatago dahil malaki ito.

'Guiara huwag kayong gaanong pagpapahalata.' 

Sa sinabi kong iyon ay ay malakas na naglabas ng ingay si Guiara, Gazmuz at ang dala nitong sina Gazero at Ivo. Nakakuha ng atensiyon ang ingay na iyon, halos lahat ng sundalong nagbabatay sa bawat gili ng palasyo'y nagsigalawan.

"The monsters!"

"The dragon!"

Ilang sigaw pa ang aking narinig sa mga sunadalo at mabilis na ipinasok ang mga palangkin at mga maharlika sa loob ng palasyo.

'Huwag Ruvun!' Napapikit ako nang mariin nang hindi ko mautusan na sumunod sa plano si Ruvun. 

Mayroon siyang sariling plano at ang tigas ng kanyang ulo. Bumuga ito ng apoy sa maliit na burol na halos sumira sa mga kakahuyan roon, kaya't mas lalong nagkagulo.

'Altazmo pigilan mo si Ruvun!' Nahahati ang atensiyon ko ngunit nahila ko pa rin si Tavar na tumakbo at kumapit sa isa sa ilalim ng palangking pumapasok sa loob.

Alam kong naguluhan at nagulat din siya sa muling paglabas ng mga nilalang ngunit kailangan naming makapasok sa loob habang nagkakagulo.

'Walang dapat na masaktan Guira, umalis na kayo, maraming salamat.'

'Gazmuz mag-iingat kayo.'

Narinig ko ang ingay ng mga nilalang na papalayo, mabuti at walang nasaktan, napabuntong-hininga ako. Hinintay naming tumigil ang palangking aking kinakapitan, nangangalay na ako sa tagal nitong makapuwesto.

Sa gilid ng palasyosi Tavar tumakbo at tumigil upang silipin ang nangyayari sa loob kung nasaan may mga abalang alipin. Mabuti't madilim ang bahaging iyon ngunit isang galaw nito'y mahuhuli siya sigurado.

Marahan akong bumitiw at mabilis na nagtago sa mga tanim na nasa gilid ng pader. Nakita ko sa malaking poste sa gilid ng palasyo si Tavar, sumenyas itong sundan ko siya.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon