13: Green

166 104 87
                                    


In the field sprinkled with a beauty of grasses and flowers

There were two people hiding their love, under the beauty of skies.

Before unraveling the lies,

There were once truths.

The wild flower that attracted the honey bees,

Is also the flower that is surrounded by fireflies.

Before the lies,

There were once smiles,

Before the tears,

There was once happiness.


"Kumusta ang isang linggo rito ng magandang Diwani ng Mediore?" 

Nakangiting tanong ng haring Eromon Vezemiedo, katabi nito ang asawa nitong Reyna na si Hara Bein. 

Nakalagak sila sa kanilang trono na gawa sa iba't-ibang klase ng mga diyamante at sa uluhan ng trono ay may palamuti ng luntiang batong nakaukit na gumuguhit ng isang puno.

Ang luntiang bato ang siyang pagkikilanlan ng mga Vezemiedo, mayaman ang kanilang lupain sa mga halaman at iba't-ibang klase ng puno, kung paraiso ang pagkakasaksi ko sa aming lupain, masasabi kong nahigitan ng Vezemiedo ang aming lupain, ngunit hindi nito malalamangan ang pagnanais kong bumalik sa amin.

"Maayos po mahal na hari, maraming salamat." Nakayukong sagot ko, narinig ko ang munting tawa nito.

"Mabuti naman kung ganoon, nais kong maging komportable ka rito, Diwani," boses iyon ng Hari.

Yumuko na lang ako bilang pasasalamat, mabait ang mga ito pero hindi ito ang aking tahanan, nais ko nang umuwi.

"Narinig ko sa isa sa mga ayuey mo na nagigiliw ka sa pagpunta sa burol, Diwani." Nagsalita ang Hara.

"Pasensiya Hara kung pati sa oras na dapat hindi ako lumalabas ng palasyo ay umaalis pa rin ako, napakaganda kasi ng lugar na iyon," sabi kong nag-angat ng tingin. 

Ngumiti ito. "Hindi naman kita pagbabawalan, nais ko lamang sabihin sa iyo na ang mga oras na dapat nagkikita kayo ni Revi ay huwag mo namang gamitin upang lumabas." Katulad ng aking ina, magkaugali rin si Hara Bein, malambing ngunit mahigpit.

"Naiintindihan ko Hara."

"Mas maayos kung maging malalim ang pagkakakilala niyo sa isa't-isa," pagpatuloy ng Hara. 

Napapagod na akong marinig ang tungkol sa kasal ko, tungkol sa lalaking anak nila, tungkol sa pananatili ko rito, tungkol sa pagiging preso ko rito sa susunod na panahon.

Pagod na pagod na ako.

"Maari ka ng umalis Diwani, maari kang pumunta ngayon sa burol," utos ng Hara, nakayuko akong nagpasalamat. 

Nagpapasalamat rin ako na sa twuing kinakausap ko sila ay nakayuko ako, ayaw kong makita nila ang pagkadisgusto ko sa lahat ng nangyayari sa akin.

Ayaw kong makita nilang napipilitan lamang ako, mababait ang hari at Reyna, mahigpit lamang ito pagdating sa hindi ko pagpapakita sa dapat na araw na nagkikita kami ng panganay nito.

Dalawang linggo na ako sa lupain na ito. Mahigit isang buwan na akong nakaalis mula sa Mediore kung isasama sa bilang iyong paglalakbay namin.

"Maari bang dito muna kayo? Nais ko lamang puntahan ang dulo nito nang mag-isa." Nginitian ko ang ga ayuey na nakasunod sa akin, lagi silang nakasunod sa akin, dinala ko sila sa lilim ng puno nang makapagpahinga naman sila.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon