15: Green- Sorrow is gone

161 82 70
                                    


'Gone is the sorrow.

Gone is his promise. How is that even possible?

Green is the memory that succumbed her precious time.

Green is another promise in the present,

the promise that after forgetting is remembering.'


Sa gabing pagtila ng ulan, wala akong Rain na nakita sa paanan ng aking higaan, sa paglalim ng gabi ay tanging lamig ng hangin ang sumasalubong sa akin.

Nakatingin ako sa taas ng aking higaan habang naiilawan ng batong umiilaw na bigay niya sa akin noon.

Kinabukasan ay nakapagdesisyon akong puntahan ang bahay ng mga panday.

"Hindi ka maari pumunta roon Diwani." Pigil ng isa sa mga nangungunang ayuey ko nang sabihin ko sa kanila ang aking plano sa araw na ito, nagkita na kami ni Revi kahapon at ito ang araw ng pagsasanay niya sa pakikipagdigma.

"Nais ko lamang na makita kung paano ano— g-ginagawa ang mga sandata, nakakamangha kasing makita iyon na hawak ng mga sundalo't kabalyero," sabi kong nananalangin na sana ay nakumbinsi ko sila.

"Diwani, hindi nararapat na pumunta ang isang bughaw na dalaga sa bahay pagawaan," sabi ulit ng ayuey. 

"Kung ganoon, magdadamit ako nang naaayon sa mga taga-kampong maharlika, kayo naman ay ganoon din ang gawin niyo. Huwag na kayong sasama sa akin sa loob ng bahay pagawaan,"  utos ko.

"Diwani," pigil niyang muli at nginitian ko siya, mukhang hindi ko talaga magagawa ang aking nais.

"Hindi ako mapapahamak, hindi kayo mapapahamak kung susundin niyo ako."

"Patawad ngunit hindi ko iyon masusunod Diwani, mahigpit na ipinaguutos ng Hara na tanging sa burol ka lamang pupunta." 

Napabuntong-hininga ako at sa huli ay sumuko na lang at pumunta na lamang sa burol, tama ako, wala siya rito.

"Dito na lang muna kayo," utos ko sa mga ayuey.

Katulad nang nakasanayan ay iiwan ko sila sa lilim at maglalakad ako papunta sa dulo ng burol, sinamyo ang malamig ng hangin na hinaluan ng amoy ng mga dahong dinaanan nang dalawang araw na ulan.

Mabilis ang aking pagdilat nang may naisip ako. 

Isinukbit ko ang talukbong ng aking suot na balabal, bumaba akong burol nang nakayuko upang matabunan ng mga talahib at tinakbo ang kapatagan pabalik sa bahay ng mga panday.

Hindi lamang ako ang may balabal na may makinang na tela, marami rin akong nakita kaya't hindi gaanong agaw pansin ang aking suot. Dahil ito ang sentral ng Vezemiedo kaya't dito nakatira ang mga maharlika. 

Kadalasan sa pangunahing lupa ng Vezemiedo ay mga anak at miyembro ng mga pamilyang may mataas na estado ang iba na mga nandito'y maaring mga kamag-anak ng mga dugong bughaw.

Nasa Kampuz De Vezemido ang mga hindi maharlikang tao.

"Anong kailangan mo rito binibini?" tanong agad ng isang panday.

Ito ang isa sa tatlong bahay pagawaan ng mga panday, ito na rin ang huli kung pag-asa, dahil iyong dalawang malalaking bahay pagawaan ay hindi ko nakitaan nang kahit na anong bulto o bakas ng isang Rain.

Ngunit paano ko nga ba siya makikita kung hindi naman ako tuluyang nakakapasok?

"May hinahanap ako."

"Hindi ito hanapan nang nawawala." Tinalikuran na ako noong lalaking may dungis sa suot nito, marahil isa sa mga panday.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon