42: Right Lilac Eye

66 14 26
                                    

'Her beginning starts when she fell in that cliff with her red dress and it will end with his lilac eyes.'


Evionoires don't die.

Evionoire's emerges Death.

"Vriveta! Anong ginagawa mo?" Malakas ang aking pagkakasigaw. 

Matapos niya akong dalhin sa madilim na lagusan ay nandirito akong lumuluhod habang tanaw ang kataasan ng palasyo ng Kalvautri kung saan nakalagak ngayon si Rain.

Matapos ang nangyari sa dalampasigan ay ilang oras akong nakakulong sa purong kadiliman habang pilit na inuubos ang lakas ko upang makalabas habang sinisigaw ang pangalan ni Rain.

Sa aking nakikita ay alam ko nang nakipagsundo si Ralvar sa Tefiere at Lwasuz upang gawin ang pagtataksil na ito. Nagawa niya ang mga bagay na ito?

"Ralvar!" sigaw ko hilam ang pisngi ng aking mga luhang hindi matapos-tapos ang aking iyak. "Tama na!" paulit-ulit ang aking sigaw.

Paulit-ulit kahit namamaos na ako.

Ngunit walang nakakarinig.

"Vriveta tulungan mo si Rain!" Muli konng sigaw, habang ako'y nakaluhod ay nakatayo naman ito sa aking tabi. Lumulutang kami sa Kristal na bilog na may kulay lila at pakiramdam koý hindi nakikita nang kahit na sino o ni kahit marinig man lamang.

Sa ilalim namin ay mga libo-libong askar at mga tao. 

Mahina na si Rain kahapon pa tapos... tapos muli nilang pinaulanan ito ng mga palaso't pana, binyahe papuntang Kalvautri kaya't... nakikita ko kung paano itong halos natutumba na mula sa pagkakaluhod.

Sa ibaba ng palasyo ay nandoon ang mga tao nakatanaw sa taong bibigyan ng hatol ngayon.

"Ralvar! M-may kasunduan tayo! Nakipagsundo sa iyo si Rain! Nakikiusap ako! Huwag mong gawin ito!" Halos maputol na ang aking litid habang sinisigaw iyon. Hindi ako mapakali at nais kong makaalis sa kapangyarihan ni Vriveta.

Walang nakakarinig sa aking pagsigaw.

"Vriveta nakikiusap ako! Iligtas mo ang Prinsipe mo!" Nakaluhod akong lumapit sa kanya at inabot ang nakasara niyang kamao, nakikiusap, desperada at takot na takot.

"Vriveta ang Prinsipe mo ang iligtas mo hayaan mo na ako!" Gumaralgal ang boses ko sa bawat salitang aking nilalabas.

"Vriveta! Sundin mo ang katapatang sinasabi mo!" Mas lalo lamang nawawasak ang aking puso sa pagignora niya sa aking pakiusap.

"Huwag mong sayangin ang kapangyarihan mo sa akin!"

"Iligtas mo siya Vriveta, nakikiusap ako!" Muli kong pakiusap ngunit mas lalo lamang humigpit ang kamao nito.

"G-gagawin ko ang lahat!" Garalgal na ang boses ko mula sa pagkakagasgas kakasigaw ko.

Sa bawat pagsusumamo ko wari'y hindi niya ako naririnig, nanatiling nakatitig lamang siya sa baba, kung nasaan si Rain.

Hindi ko matitigan ang itsura ni Rain, hindi ko kakayanin dahil kahit hindi ako nakaranas ng kamatayan maasasabi kong parang kamatayan ang makita ang kalagayan nito.

"Vriveta!" halos panawan na ako ng ulirat sa paulit-ulit kong sigaw, ibinuhos ko ang aking lakas upang kumbinsihin siya.

"He broke our bond!" sigaw nito at tumingin sa akin, puno na rin ng luha ang mata't pisngi nito. "He broke it, I can't averse his request!" Namaos din ang boses nito nang sabihin iyon.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon