40: The Silent Battle

43 14 27
                                    


Let be the red reminds us of a new life.

Let be the orange stay to start another time.

Let the yellow blind us from its hope, we're fine.

Let the green deliver us the brightest and realest smile.

Let me be your blue that you see how long be the mile.

Let me be your indigo that would expand your dime.

I am your violet, I will save you all the time.

- VTRE



Handa na ang lahat sa organisasyon. Ang plano ay ang pumasok sa lagusan sa ilalim ng palasyo kung saan nahipnotismo ang mga askar na nakabantay roon upang buksan iyon sa tamang oras.

Suot ko ang mahigpit na itim na kasuotang tulad ng goma sa sikip at nababanat. Marami akong isinukbit ng mga punyal sa aking sinturon, mayroon sa aking kanang hita, mga naitatapong patalim na may hugis bituin, at dalawang sandata na nakasabit sa aking likuran.

Bumuga ako ng hangin nang magtagpo ang mata namin Tavar habang nakikinig sa huling utos ng Master. Kami ang unang susugod, ang grupo namin ay mayroon lamang na labing-limang tauhan.

Sa oras na masigurong napatahimik ang mga askar na nakabantay sa loob ng palasyo'y susugod naman ang ikalawang grupo na mayroong dalawampung tauhan upang magbigay ng usok na pampatulog sa lahat ng alipin at pagsasamahin ang mga ito at ikukulong sa iisang lugar upang hindi magkalat.

Katulad nang naunang plano ay hindi nais ng Master na kumalaban ng marami sa maingay na paraan dahil maraming askar ang mga Evionoire. Wala kaming magiging laban kapag susugod nang nagaanunsiyo. 

Isasara namin ang mahabang pintuan ng palasyo upang hindi makapasok ang mas maraming askar sa labas ng palasyo kung nasaan ang bahay ng mga askar.

Wala kaming laban sa bilang ng mga askar ng Evionoire, Valuartiz at Benozore.

Pagpasok pa lamang namin sa ilalim na lagusan ay kailangan na agad patahimikin ng mga kasamahan ko iyong mga nakahilerang askar na nakabantay sa bawat pintuan ng mga silid na pinagiimbakan ng mga pagkain at inumin.

Malinis na itinapon nila ang mga punyal na diretsong tumama sa mga leeg nito kaya't halos bumaha rin ng dugo ang sementong aming tinatapakan.

Bawat lihim na paghiwa at paggilit nila ng leeg ay naririnig ko ang tunog ng balat na hinihiwa ng isang punyal, kahit pagsirit ng dugo'y gumagawa rin ng karumal-dumal na tunog dahil sa matinding katahimikan.

Masyadong tahimik.

Mayroong dalang uwak ang isa sa mga kasamahan namin at pinalabas sa lagusan upang magbigay alam na maari nang pumasok ang ikalawang grupo.

Nang makapasok kami ng tuluyan sa kusina ay agad kaming lumabas sa gilid ng palasyo upang tapunan ng mga patalim ang leeg ng mga nagbabantay na mga askar.

Nagtago kami sa isang malaking pader na may makitid na daanan paliko, ang iba'y nagtago sa mga kahon na gawa sa kahoy-- maaring lagayan ng mga kagamitang pangkalakal kaya't hindi kami makikita habang palihim naming inisa-isa ang mga askar na nakatayo sa bawat gilid ng pader ng palasyo.

"Ugh!"

Dahil sa daing ng isang askar ay nakatawag ito ng pansin sa ibang askar. Nanlaki ang mata ko nang tignan ang kasamahan kong mukhang pumalya sa pagtapon kaya't hindi gaanong bumaon ang punyal sa leeg nito.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon