34: Master's Manipulation

57 26 70
                                    




Sigurado ako noong walang-wala ang kakayahan ni Master Driel kumpara sa kanyang amang si Master Vindriel na kanyang pinatay habang tulog upang makuha ang puwesto nito.

At balak nitong maging susunod na hari? Naiisip ko pa lamang ay mas lalo kong nakikita ang kawasakan ng Cessiana.

Nagkakamalaki ako, hindi siya ang tipo ng taong magpapadalos-dalos. May plano siya.

Ang mas tuso ay madalas iyong mga walang puso.

Kadalasan kung uhaw ang isang tao sa kapangyarihan nagiging mapangmasid at matalino o maaring madadala sa damdaming sobrang ninanais at magpapadalos-dalos ka desisyon.

Isang halimbawa ang Haring Evionoire, naghintay ng ilang taon at nagplano nang maigi. Ngunit hindi isang magandang halimbawa pagdating sa pamamalakad.

Noon iniisip kong nagpapadalos-dalos si Master Driel, ngayon ay hindi ko na masabi iyon. Maaaring alam niyang mayroong nagpaplanong pumatay sa kanya, maaaring hindi.

Alam ko kung sino-sino ang nais na pumatay sa kanya sa organisasyong ito, isa na ako roon. 

Tumagal ako sa organisasyong ito, tiniis lahat ng hirap ng pagsasanay, inaral ang dayuhang salita at kinagawian dahil kakaiba mamuno si Master Vindriel. Sa kabila ng imahe naming mamamatay-tao at nagpapabaha ng dugo, nandoon pa rin ang puso niya para sa kanyang nasasakupan.

Binuo niya ang organisasyong ito sa tanging nag-iisang misyon;

'Stop Evionoire's from merging with death.'

Akala ko noo'y isa lamang iyong talinghagang salita ng mga Evionoire ngunit nang masaksihan ko iyon kay Rain ay literal nga talagang kaya nilang makisama sa kamatayan.

Ang tanging nakakaalam lamang ng magiging kamatayan ng mga Evionoire ay si Master Vindriel na sigurado akong nalaman na rin ni Master Driel.

Ano nga ba ang kahinaan ng mga Evionoire?

"What's special about you?" muling tanong ni Ralvar habang nilalapatan ko ang aking katawang may sugat gamit ang gamot na tutulong upang bumilis ang paghilom nito.

Agad kong isinuot ang aking damit dahil hindi ito kumatok sa silid kaya't naabutan akong halos hubad. Humalukipkip ito ako naman ay paika-ikang hinarap ito.

"Master even gave you a special elixir to fasten the cuts," pagpatuloy niya, nandoon pa rin ang ganda at kaayaaya nitong itsura pero kung makikita ang hubad nitong katawan ay makikita ang malalaking peklat nang pagkasunog.

"What do you need?" Tinalikuran ko siya at nagsuot ng pantalon dahil pati hita ko'y may mga sugat rin. "Next time you should knock," pagpatuloy ko.

"The war is coming. My wife is in the hands of your loved Ore while we are here together. Since it's an obvious swap why don't we also warm our beds," sa sinabi niya'y natawa ako.

"You've shoot the holes of the females here in the organization and you wanna try mine? I'm sorry Ralvar I'm not into whore exiled Prince," sabi kong nag-iwas ng tingin na napapailing at inabala ang sarili sa paglinis ng aking mga punyal na nasa itaas ng aking higaan.

"Because you're into an Ore Prince who's gonna be dead soon?" sabi nitong nang-uuyam na parang sinagot ang nasa isip ko. Hindi siya mamamatay.

Napalunok ako. Alam kong hindi mamamatay si Rain ngunit bakit kinakabahan ako?

"While he's torturing you did he also shoot your hole-" Natigil siya sa pagsasalita nang iwasan niya ang mabilis kong pagbato ng aking punyal na humiwa sa kanyang pisngi. Ngayon ay nakaturok iyon sa nakasarang pintuan sa kanyang likuran.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon