38: A Prayer to Gods and Goddesses

74 19 43
                                    

Masakit na masakit ang aking puso ko.

Naninikip ang dibdib ko sa matinding sakit na aking naramdaman.

Nang marinig ko iyon ay agad na nanghina ang aking katawan.

Lubos na ninakawan ng lakas kaya't napaluhod akong napaluha habang pilit na inaalala ang lahat.

Hindi ko maalala.

Binura umano ni Vriveta ang alaalang iyon dahil iyon ang inutos ni Rain.

"B-bakit... b-bakit..." sambit ko nang paulit-ulit.

"W-wala kang utang na loob... halimaw ka!" sigaw ni Yaam, nakaamba na itong sampalin ako ngunit natigil ito at napahagulhol.

"Sana namatay ka na upang makita mo ang magulang natin nang makahingi ka ng tawad! Humingi ka ng tawad sa kanila!" Lumapit ito at hinawakan ang aking mga balikat.

"Nakakapagsalita ka na ngayon kaya humingi ka ng tawad sa kanila! Hindi sa akin— sa kanila!"

"My Lady—"

Nakarinig ako ng sigaw.

"Huestia!"

"Cyanna!"

Sigaw iyon ni Rain. 

Mabilis niya akong dinaluhan habang dinaluhan naman ni Tiava ang Yaam.

"Mamatay ka!" sigaw muli ng Yaam.

Hawak ni Rain ang aking bewang nang lumapit ito kay Yaam at hinawakan ang hilam nitong pisngi. "Shh... Huestia, sleep now... please," sabi nito at may itinusok na kung ano si Tiava sa leeg nito kaya't bigla itong nawalan ng malay.

Ngayon ay nasa silid niya akong muli, tahimik lamang itong nakatingin sa akin habang patuloy akong lumuluha at natutulala. Sa sobrang pagod at sakit na aking naramdaman at napahiga ako sa kama.

"Bakit binura mo ang alaalang iyon sa akin?" Mahina at namamaos ang boses kong tangong nang dumungaw ito sa akin.

"Bakit pati sa parteng iyon ay nais mo akong protektahan? Hindi ba't dapat lang na maalala ko iyon?"

Bumuntong-hininga ito at tumabi sa akin, mga binti nito'y nakalagak sa gilid ng kama, tulad ko'y nakatihaya lamang ito.

"I've never protected you. At least in your most painful truths I don't want you to experience the regret of watching your parents die before your eyes."

Para akong  nalalagutan ng hininga habang naririnig iyon sa kanya. 

"P-pinatay k-ko sila! S-sinunog ko s-sila! S-sana h-hinayaan mo akong maalala lahat nang iyon! T-tigilan mo na ang pagiging b-bayani mo at h-hindi iyan ang r-responsibilidad mo!" Umupo ako mula sa pagkakahigat kahit nanghihina ay sumigaw ako sa galit.

"R-responsibilidad mo ang p-protektahan ang mga tauhan mo! S-sarili ko iyong alaala! B-bakit kailangan mo i-iyong p-pakialaman? S-sana hinayaan mong maalala ko iyon at nang... masaktan ako! D-dapat hinayaan mo akong masaktan dahil parte iyon ng k-kasalanan ko! Kasalanan ko, responsibilidad ko! Hindi mo responsibilidad na alisin ang masakit na alalaa sa akin dahil k-kagagawan ko iyon!" 

At sana kung naalala ko iyon ay hindi kita nasaktan, hindi ako naghiganti dahil kulang ang aking mga naalala. Sana hindi kita kinalaban.

Tahimik lamang itong hinayaan ang aking galit habang titig na titig sa akin. "I wonder, what will you do if those memories stayed in your head."

Ano nga ba ang gagawin ko kung naalala ko lahat ng mga alaalang iyon?

"I'd rather see you killing me than killing yourself because of those regrets."

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon