43: Silence of Monsters

70 10 4
                                    

Yellow: "Gold" 

Gold is a precious metal that connotes luxury and glitter, as well as wealth, grandeur, and success.





Mukhang uulan kaya't alam ng aking Amang hari at Harang ina na kapag may ulan ay nananatili ako sa aking silid upang panoorin ang mga kidlat at pagbuhos ng ulan sa aking teresa.

Ngunit ginagamit ko minsang dahilang ang ulan bilang isang malaking pagkakataon upang makatakas at makapunta ako sa bahay sanayan.

Maraming mga askar na nakabantay ngunit maliit ako at maliksi kaya ay nagagawa kong makalusot sa bawat pagtakas ko upang magsanay.

Naninilim na ang langit, sa dilim nito'y parang sinasabing agad itong bubuhos nang malakas at magbibigay ito nang matinding ingay. Mas binilisan ko ang aking pagtakbo nang malapit na ako sa bahay-sanayan ng mga askar.

Dumaan ako sa bahay-sanaya para sa mga mas batang mga askar na sinasanay.

"Dayuhan, ano ang iyong pangalan?"

Sa mga ingay at usapang aking narinig kanina ay mas luminaw na ngayon ang isa sa tanong ng batang askar.

"Kayara, hindi nakakapagsalita ang dayuhan na iyan."

"Ganoon ba? Mas maayos kong may tawag sa iyo."

"Paano mo bang nais na matawag Dayuhan?"

"Hindi mo maibubuka ang bibig niyan Anar!"

Iyon ang mga usapan ng mga batang askar, ako'y sampung taong gulang na at ang mga ito ay wari ko ay kasing-edad ko lamang.

Ang nasa gilid ko ay isang pader ng isang bahay-sanayan para sa mas nakakatandang mga askar at sa kabilang gilid ko naman ay ang bahay-sanayan ng mga kabataang askar. Samakatuwid ay wala akong ibang dadaanan kung hindi itong daanang napapagitnaan ng dalawang bahay-sanayan.

Marami silang nakaharap sa dayuhan na kanilang tinatanong, nakatalikod sila sa aking dapat na daanan, isang magandang pagkakataon upang makadaan nang hindi napapansin.

Ang daanang ito ay magdadala sa akin sa likuran ng bahay-sanayan kung saan maraming mga sandatang kahoy at mas maraming puno roon kaya't madali ang magtago at sumilong sa malilit na dampa't mga kubo.

Sinamantala ko ang pagkakataong nakatalikod silang lahat na tanging ulo lamang ang aking nakikita sa pinagpipiyestahan nilang 'dayuhan' umano.

Narinig ko ang usaping iyon ngunit hindi ako interesado.

Isang hakbang ay tumingkayad ako upang hindi nila ako marinig at mabilis agad akong tumakbo.

Natigil lamang ako nang biglang kumulog, nagulat ako nang kaunti ngunit dahil sa kulog ay napalingon sa aking gawi iyong iba kaya't mabilis akong nagtago sa mga halamanan.

"Nakakainis," bulong ko. Tinantiya ko ang aking tatakbuhin kapag muli nilang haharapin ang dayuhan.

"Nakakapagsulat ka ba?" tanong ni Riga, kilala ko ito dahil isa ito sa nangungunang batang askar.

"Sige ganito na lamang batang dayuhan, maglaro tayo— ilan ang letra ng iyong pangalan? Muling tanong ni Riga.

"Apat!" sigaw ni Imano, siguro'y nagpakita ng daliri ang dayuhan.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon