32: Ore's Throne;

85 32 103
                                    



"Gusto ko silang makita," bulong ko sa aking sarili habang naliligo sa bukal na nakalagak sa gilid ng palasyo, ito iyong pinapaliguan ko noong labing-limang taon ako.

Ang bukal ay nangangaling nga sa mataas ng bahagi, marahil ay sa gitnang kubundukan na nasa kagubatan.

Pinaglalaruan ko ang batong umiilaw na bigay sa akin ni Rain noon, ito rin ang natatanging dala ko noong... naihulog ako sa bangin, pinanghahawakan ko bilang paalala sa isang kataksilan, ngunit hindi ko na mawari ngayon kung dapat ko pa bang gawin iyon, unti-unting nababago ang aking isip, katulad lamang ng dati.

"Then let's go see them."

Mabilis akong nagtakip ng dibdib nang marinig ang boses nito sa aking gilid.

"Nasisiraan ka ba, bakit ka nandito? K-kanina ka pa ba diyan?" Masama ang aking titig nang kibit ng balikat lamang ang isinagot niya sa akin.

Nakatalungko ito, nakatakukod ang mga siko sa bawat hita habang nakapangalumbabang nakatingin sa akin nang mariin, ako na lang ang naiilang at nagbawi ng tingin.

"Umalis ka nga rito!" 

Tinawanan niya lang ang aking pagsigaw at tumayong umalis. 

Masama ang aking titig sa kanya dahil habang nagbibihis ako ay nasa labas lang siya kuwarto, bawat kilos ko'y binabanatayan niya.

"Hello again," sabi nito nang makalabas na ako ng aking silid. 

Hindi ko alam kung paano niyang naihanda ang pananghalian naming isda, may oras siyang nakapanghuli ng makakain namin. 

Gamit ang mga napulot na kahoy at kagamitan sa palasyo ay may matino kaming nakain.

Habang kumakain ay pinag-uusapan namin ang plano, pagkatapos nito'y pupuntahan namin ang mga nilalang ngunit pagdaan pa lamang namin sa malaking butas ng palasyo'y nakita ko silang lahat doon.

Hindi ko namalayang lumawak ang aking ngiti, parang noong isang araw ay natatakot ako sa kanila pero ngayon ay gusto ko silang makita kung maayos ba sila sa malakas na ulan kagabi. 

Mabilis akong tumakbo sa malaking siwang ng butas na pader ng palasyo.

"Uh— magandang araw," bati kong nakangiti, mga ungol nila ang isinagot sa akin, napalingon ako kay Rain at hindi nawala ang aking ngiti nang hilain ko ito.

"Wait— no! What are you—" Kontra ma'y nagpatianod ito nang hilahin ko siya noong naglakad palapit si Gazmuz, nakita ko ang pagngiwi niya nang umupo si Gazmuz upang magbigay ng permisong sakyan namin siya.

"Dalian mo!" Nakangiti kong sabi. 

Sa huli'y ay inalalayan niya ako, bago ito sumalampak, narinig ko pa ang malakas niyang pagsinghap nang tumayo si Gazmuz at umalog kami, napahawak ito sa iskudong kalasag na nakapalibot sa ulo ni Gazmuz.

Nakita ko ang mangha sa mga mata niya nang paunti-unting lumiliit si Gazmuz nang papasok na kami sa gitna ng kagubatan, hindi ito lumipad tulad nang ginawa noong ibang nilalang.

"This is awesome," sabi nitong may malawak na ngiti ngayon, madilaw niyang buhok ay hinahangin, mas lalo siyang gumagwapo sa bawat oras na masaya siya, nawala ang aking ngiti.

Muling naalala ang mga nakaraan.

"Ugh— Princess, stop spoiling our happy moments." Nag-ikot ito ng mata na siyang ikinatawa ko, hindi bagay sa kanya. Mabilis niya akong pinatakan ng halik sa noo, pakiramdam ko'y hindi iyon sapat.

Kaya't tumingkayad ako upang maabot ang mga labi nito.

Parang huminto ng ilang segundo nang muli kong maramdaman ang malambot niyang mga labi hanggang sa hinampas ng hangin ang aking naramdamang ilang, nanuot ang lamig sa aking kalamnan.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon