19: Blue- Dead and Drought

125 61 85
                                    

'When after the drought is prosperity, 

When dryness becomes watery, what will we be? 

The promise was drenched with betrayal, 

putting back what's lost will be flinty, 

it's hard to go back to where it was usually placed, 

when losing it was done in a brutal way. 

He wants a hood ending but he knew it will never be even before the beginning. '

Hindi man katulad ng mga nakikita kong mag-asawa ang aming kadalasang ginagawa ngunit masaya ako sa ganito.

"Rain!" masaya kong sinalubong si Rain mula sa bangkang dumaong sa dalampasigan, tumatawa itong bitbit ang mga lagayan ng mga isdang nahuli nila habang kausap ang isang lalaking kasamahan niya sa pangingisda.

"Nandiyan na ang iyong pinakamagandang prinsesa ng Valasdaco." Umugong ang anunsiyo ng may-ari ng bangka na si Nolo, masayahin ito at kasundo niya si Rain ngunit hindi ko gusto ang mga tipo ng titig at pang-aasar niya sa akin.

Ngumisi si Rain at sinalubong ko siya na may malapad na ngisi. 

"Hello princess," bati nito, nasa likod ko ang aking mga kamay habang inilalapag niya ang kanyang bitbit.

"Hello." Ginaya ko ang kanyang banyagang salita.

"Tama na iyan at may gagawin pa itong bata ko, prinsesa." 

Mahilig na tawagin ako ni Nolo ng prinsesa at hindi ko iyon nagugustuhan kapag nangagaling sa kanya.

"Prinsesa kung hindi mo yayakapin ang iyong asawa'y ako na lang ang iyong yakapin." Lumapit sa akin ang isa sa mga kasamang mangingisda ni Rain ngunit mabilis na itinulak ni Rain ang balikat nito.

"Watch your mouth," sabi ni Rain sa kasamahan nito matapos itulak ang dibdib. 

"Biro lang Rain," tugon noong nagbiro at umatras. 

"This is the last warning for you princess, stop waiting for me here. They kept ogling you," sabi nito sa mababang boses.

"Ano?"

"Huwag mo na akong hintayin rito, hindi ba at abala kang maging kabalyero?" sabi nitong nakangisi, matapos mailipat ang isa pang lagayan ng isda, habang ako naman ay abala sa kakasunod sa kanya. 

"Please... go home," ulit nito. 

Naintindihan ko ang salitang 'Go home.' At hindi ko iyon nagustuhan. 

Tatlong araw silang nangingisda, tatlong araw akong nagtitiis na wala siya habang pinag-uusapan ako ng mga tao at iniiwasan ng mga babae.

Hindi ko gusto iyong tingin sa akin ng iba.

Para akong babaeng mayroong dalang sakit na iniiwasan at kapag malapit si Rain ay napipilitang makisama iyong iba sa akin, dahil nagigiliw sila kay Rain.

"Bakit? Nais kong sumabay sa iyo pauwi," sabi ko ngunit sa inis ay iniwan ko siya at hindi na hinintay ang isasagot nito.

Ngunit napasigaw ako sa lamig ng tubig nang may natapon sa akin na halos bumasa sa aking suot, napalingon ako sa aking likuran at nakita roon si Bagam at Arun na may dalang timbang gawa sa kahoy na may laman ng isda at sinadyang itapon sa akin.

"Pasensiya na prinsesa." Sa tunog ng paumanhin nito ay mukhang sinadya niya.

Bago pa ako makaumang ay mabilis na naitulak ni Rain si Nolo at Arum. At dahil may katandaan na si Bagam ay ito ang natumba, sa gulat ay gumanti sa pagtulak si Arum, magsisimula na sana silang magkagulo nang may pinulot akong malaking isdang itinapon nila sa akin at ibinato ko kay Arum, sapol iyon sa kanyang mapaglarong mukha sa tuwing inaasar ako.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon