38: A Prayer to Gods and Goddesses

Start from the beginning
                                    

Hindi ko rin kayang harapin muli ang aking Yaam. Kaya't patuloy akong nagmumukmok habang sinasariwa ang sakit, paninisi at paghingi ng tawad ang aking ginawa.

Ngayon ay nalaman ko kay Tiava na bumalik si Vriveta kaya't humingi ako sa kanya ng tulong na puntahan ito sa silid-aklatan ng palasyo nang hindi mapansin ng ibang askar.

Tahimik akong pumasok sa pinakamaliit na silid kung saan kami dinala noong pumunta kami ni Tavar.

May mga boses akong naririnig na halatang nagtatalo.

Katulad noon ay parang hindi nararamdaman ni Vriveta ang aking presensiya.

Kung bakit hindi niya ako maramdaman ay hindi ko rin masagot iyon tulad ng katanungang paano ko nauutusan at nagiging kaibigan ang mga nilalang sa Vezemiedo.

"—You are losing your sanity over one princess, you are going to give up your title and throne just for her?"

"I'm not giving up something for her," saad ni Rain, mahina lamang iyon at nasaktan man ako nang marinig iyon ngunit mas nangibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya.

Nais ko siyang purihin sa kanyang nagawa, para sa kanyang kaharian, para sa Cessiana, at para sa akin.

Lumipas na aking galit sa kanya. Hindi ko lamang siya makausap dahil sa tindi ng sakit at paninisi na aking naramdaman nang malaman ang katotohanan.

"I'm gonna fight for her because she's my crown—"

Naputol ang sinabi ni Rain dahil sa tawa ni Vriveta. "See? This attitude will kill you."

"Vriveta, I keep on telling you that she's the power I want to own— if merging will keep us alive then let's go see the rebels and present this proposition."

Nang marinig ko ang idinugtong niyang iyon ay napatakip ako sa aking bibig at agad na lumabas ang matinding hikbi roon na ayaw kong marinig nila.

"That's what I did while I was in the organization but it scares me how much your emotions overflowed that it would clutter our tactics. You should set aside your emotions first." Sa boses ni Vriveta alam kong nawawalan na siya ng pasensiya sa pagpapaintindi kay Rain.

Magkahalo ang saya, sakit, at pagmamayabang kung paanong nakahanap ako ng isang tulad niyang Prinsipeng Ore. Paanong biniyayaan ako ng mga diyos at diyosa sa kabila ng aking mga nagawa.

"She's everything Vriveta and when I say everything it means I'm willing to shower my own blood to see her right there in a place where I first saw her unscathed, safe, and sound."

Muling katahimikan ang dumaan.

Hindi ko marinig ang sagot ni Vriveta, maaring tulad ko'y nagulat rin sa sinabi ni Rain.

Paano nga ba niya akong napipili kahit napakarami kong maling nagawa? Napakamakasalanan ko.

"I don't want you to see you die because of her!" sigaw ni Vriveta.

"I'm not gonna die. I'm done talking about this Vriveta. I've made my own decision, please..."

Nakaramdam ako ng yabag kaya't mabilis akong lumabas sa silid agad kong hinila ang braso ni Tiava, naglakad kami pakaliwa at nang nakakasiguro akong nakalayo na kami ay binitawan ko ito at naglakad sa unang pasilyo na aking nakita na walang askar na nagbabantay.

Nang makalayo ako'y nagtago ako sa mahahabang tanim sa malalaking paso at doon umupo, sa magkadaop kong mga palad nandoon ang batong umiilaw na bigay ni Rain sa akin noon.

Inilapit ko ang aking magkaugpong na palad habang sunod-sunod na tumulo ang aking mga luhang hindi ko na napigilan pa.

Lumuhod ako at tumingin sa itaas sa bubong na gawa sa kristal kaya malinaw kong nakikita ang bughaw na langit at mapuputing ulap.

'Bathalang Hariomon at Diyosang Onandra dinggin niyo ang aking hiling nakikiusap ako. Handa kong tanggapin ang kahit na anong kaparusahan na ipapataw niyo sa akin basta't huwag niyo lamang na hayaang masaktan si Rain, nakikiusap ako, ako na lang ang bawian niyo ng buhay sa digmaan na ito ngunit huwag si Rain, kailangan ng isang kaharian ang tulad niyang pinuno... tatanggapin ko ang ano mang kaparusahan kapalit ng kanyang buhay!'

Sa loob ng sampung taon hindi ako nanalangin sa bathala't mga diyosa para sa kapakanan ng iba.

Napupuno ako ng galit noon na tanging nais ko'y kamatayan ni Rain ngunit ngayon ay mas nanaisin kong mabuhay siya kapalit ng aking buhay.

Paulit-ulit akong nakikiusap hanggang sa maramdaman ko ang paninilim ng kalangitan. Ilang minuto pa'y kumulog at dumaan ang kidlat bago bumuhos ang ulan.

Sana'y matapos ang ulan na ito'y magpakita ang bahaghari. 


~~~¤¤¤~~~

Six chapters-- countdown and we'll settle the fate of the two.
Rain & Cyanna.
Wait, still tryin' to fix typos. 'Wag judger.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Where stories live. Discover now