38: A Prayer to Gods and Goddesses

Start from the beginning
                                    

Malakas kong hinampas ang kanyang dibdib na halos napabangon ito at napaubo.

"Itigil mo na ang walang pag-iimbot mo! Hindi mo ako responsibilidad!"

Patuloy ito sa pag-ubo habang hawak ang dibdib na hinampas ko.

"That's harsh... How come you're not? You elope with me and I'm your husband. You are my responsibility." Hindi makapaniwalang sabi nito na may pangungunot ng noo.

"Pero hindi ang alaala ko!"

Tumawa ito nang may pamumula sa entrada ng mga mata nito.

"Princess, If you think keeping your memories is a wrong move for me it wasn't."

"Wala kang pakialam doon! Sana hinayaan mo akong masaktan! Dahil alaala ko iyon Rain! Ano kung mabaliw ako? Alalaa ko iyon! Ano ang mararamdaman mo kung minamanipula ka na nga ng tadahana, minamanipula ng mga taong nakapaligid at pati ba naman iyong pinagkakatiwalaan mo minamanipula ka rin! Anong mararamdaman mo?"

Ngumisi man ito ay hindi ko maiwasang makita ang sakit nang mas lalong namamasa ang mata nito.

"Because it's the only thing I can do for you." Umupo na rin ito at hinarap ako.  

"I couldn't save you when your friends are controlling your head. I couldn't do anything when I found you naked in the middle of the forest. I couldn't save you when the Guiara took you away. I couldn't save you when you destroyed Vezemiedo and killed the Vezemiedo royal family and destroyed the wall rocks of Hermouna. I couldn't save you when you burned your palace and killed your parents. I even killed you twice and stealing those memories from you is the only thing I can do!"

Katulad nito'y tumataas baba ang dibdib ko sa matinding nararamdaman.

Kahit pala ang pagkawasak ng palasyo ng Vezemiedo at pagkamatay ng pamilyang Vezemiedo ay kagagawan ko.

Ano pa bang rebelasyon ang malalaman ko sa pananatili rito sa Kalvautri?

"Princess... It has been a vociferous fate for us. But please, don't be too harsh on yourself or me... it hurts hearing you so mad that I'd rather choose being cut in half by your sword than your words."

"Pinatay ko sila! N-naintindihan mo ba iyon?"

"Then do something right this time..." Lumapit ito sa akin.

"You said you'd choose duty this time right? I'm good with it, but please... stop blaming yourself or blaming me. How many times do I have to tell you that there are really things that we had to chose even if we don't want to do it... In my case I want to remove your memories because you've been through a lot."

Alam ko na noong magaling siya sa mga salita na sa kabila ng matinding sakit at pagsisisi ang aking nararamdaman ay natutulungan niya akong huminahon sa pamamagitan ng kanyang mga sinasabi.

Nanatili akong tulala, minsan ay iiyak habang patuloy sa paghingi ng tawad sa aking mga nagawa. Habang  naalala ko ang aming Inang Hara at Amang Hari. 

Hindi ko magawang magalit sa aking Yaam dahil nakikita ko ang aking sarili habang nasa kalagayan niya ako.

Kung ako ang nasa kalagayan niya't —magulo ang panahong iyon matapos akong sapilitang ipakasal sa Diwanong hindi ko gusto, pagkatapos ay sinunog at pinatay ang aking mga magulang ng aking Yaam habang sakay ito ng malaking Eruvun— ramdam ko ang matinding galit ng aking Yaam.

Tatlong araw pa ang lumipas nang hindi kami nag-uusapn ni Rain. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi ngunit sa silid niya ako namamalagi ng tatlong araw.

Grudges of Rainbow (Kingdom Series #1)Where stories live. Discover now