CHAPTER 13: Lexa's Disappearance

Start from the beginning
                                    

"CALM DOWN ALYXANDRIUS." Seryosong saad ni Loisa at ibinigay sa ibang tagapagsilbi ang nanginginig na Francia.



"HOW?! LEXA IS MISSING MA! PAANO AKO KAKALMA KUNG ALAM KONG NASA PANGANIB ANG KAPATID KO. NI HINDI NATIN ALAM KUNG NASAAN SIYA O KUNG SINO O ANO ANG KUMUHA SA KANIYA! PATI MGA ALAGA NIYA TAKOT NA TAKOT KAYA ALAM KO HINDI BASTA-BASTA ANG KUMUHA SA KAKAMBAL KO AT IYON ANG MAS IKINAKATAKOT KO!" Galit na sigaw ni Yxan.



Lahat ay natatakot sa kaniya, lahat ay napaiwas ng tingin at mga napapayuko na lang sila sa bawat pagsigaw ni Yxan..




"Yxan, hindi kasalanan ni Francia 'yon kaya huwag mo siyang sisihin." Seryosong sabi ni Loisa.


"AT BAKIT HINDI?! SIYA ANG BANTAY NI LEXA KAYA RESPONSIBILIDAD NIYANG PANATILIHIN ANG KALIGTASAN NI LEXA!" Sigaw na sagit ni Yxan.


"OO YXAN, PERO HUWAG MO NAMAN SANA SIYANG SAKTAN DAHIL HINDI NIYA NAMAN SINASADYA IYON." Sigaw na rin ni Loisa dahil pagdating kay Lexa napaka sensitive ni Yxan.


"HINDI E, KUNG NAG-IINGAT LANG SIYA EDI SANA HINDI NAWAWALA NGAYON SI LEXA." Sabi naman ni Yxan.



"AKSIDENTE ANG NANGYARI YXAN. WALANG MAY GUSTO SA NANGYARI." Sagot naman ni Loisa.


"PERO-"


Hindi na natapos ni Yxan ang sasabihin ng may dalawang bagong dating na naririnig ang bangayan sa hardin.




"What is happening here?" Seryoso at ma-awtoridad na boses na tanong ng bagong dating na si Alpha Andreighus, nasa kanan nito ang inang si Olivia. Habang nasa kaliwa naman si Beta Thaddeus.



"Alpha." Halos pare-parehong sambit ng mga gulat na mga tagapagsilbi.




Yumuko ang lahat kasama si Loisa upang magbigay galang sa mga bagong dating, maliban kay Yxan na ganoon pa rin ang itsura. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa harapan, nakikita sa awra nito ang galit.



Walang sumagot ni isa sa mga tagapagsilbi sa katanungan ni Andreighus kaya napakunot ang noo nito.



"I'm asking." Ulit ng seryosong Alpha.




"Lexa is missing." Si Yxan ang sumagot, napakuyom ang mga kamao niya nang sabihin iyon.


"What?!" Gulat na gulat na bulalas ni Olivia.




"We can't find her." Sabi ni Yxan sabay tingin ng masama kay Francia na nakayuko pa rin.


"She is missing? But how?" Nag-aalalang tanong ni Olivia sabay lapit kay Yxan.



Seryoso lang ang mukha ni Andreighus at Thaddeus. Gaya ng mga ama nila ay ganoon din kaparehas ang mga personality nila kaya palagi silang nagkakasundong dalawa, bagay na hinahangaan ng mga pack members nila.



"Beta Thaddeus." Tawag ni Andreighus kay Thaddeus na nasa kaliwa niya sa bandang likuran.



"Yes Alpha." Sagot ni Beta Thaddeus at yumuko muna bago naglakad palayo.



THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now