CHAPTER 8: Move Into Another Village

Mulai dari awal
                                    

"Mama Loisa................... I know."




Mas nagulat ako sa sinagot ni Lexa. Alam niya? She knows? How??! The fuck!! What is happening?!






Hindi na ako nakatiis at malalaki ang hakbang na lumapit ako sa kanila, bakit parang pati si Lexa may nalalaman na hindi ko alam?





"Lexa.... Ma." Tawag ko sa kanila.



Kaagad naman silang napalingon sa akin pero still diresto ang tingin ni Lexa, pero alam kong nakikinig siya sa akin.





"Anong pinagsasasabi niyong dalawa?" Mahinahon kong tanong.



Ayokong magalit kaya idadaan ko ito sa mahinahong usapan. Sana lang magsabi sila ng katotohanan.



"Which part?" Tanong ni Lexa.



"About werewolves.... What kind of topic is that ha?" Medyo nairita na ako.




"Werewolves." Mahinang sambit ni Mama Loisa kaya napalingon ako sa kaniya.




Nagtaka ako dahil 'yong expression ng mukha niya ay gulat na gulat, medyo napaawang pa ang labi niya. Sa curious ay sinundan ko ang tinitignan niyang direksyon.





Pero nanliit ang mga mata ko dahil wala akong makita roon, kundi paggalaw lamang ng mga halaman na parang may pumasok sa loob ng maliit na gubat sa tabi ng bahay namin. Nasabi ko bang may kapitbahay kami na isang lote? Na parang isang maliit na gubat na dahil sa naglalakihang mga puno at damo? Well, marami dito ang for sale ang lote pero marami din naman kaming nakatira sa lugar namin.






Isinawalang bahala ko nalang iyon dahil wala rin naman akong nakita. Lumingon ulit ako kay Mama Loisa pero nakayuko na ito at maya-maya ay yumugyog na ang nga balikat nito at nagsimula nang umiyak ng tahimik.






"Ma, tell me. Ano ba talagang nangyayari? Nahihiwagaan na ako sa inyo e." Hindi na rin ako makatiis kaya napasabunot na ako sa buhok ko.





"Sorry." Tanging nasambit niya at gaya ng dati ay tumakbo nang muli ito sa kwarto niya at doon nagkulong.





"Haaay." Napabuntong hininga ako.




"Hayaan mo muna siya, stress lang siya." Mahinang sabi no Lexa pero rinig ko naman.




"May nakukwento ba siya sayo?" Tanong ko at umupo sa pinag-upuan ni Mama Loisa kanina na katabi ni Lexa.





"Wala." Tipid na sagot niya.




"Hindi ako naniniwala." Seryosong sabi ko.



"Hindi ko naman sinabi na maniwala ka." Balik na sabi naman niya.





"Know what? Hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyong dalawa. Pero isa lang ang alam ko................. May sikreto kayo."




Huling sinabi ko at iniwan nang mag-isa si Lexa sa labas. Naiinis ako sakanila, pamilya kami pero may sikreto sila sa akin na ayaw nilang sabihin... Bahala sila sa buhay nila.

*****


Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa labas. Bumangon ako sa pagkakahiga at sinilip amg oras sa phone, alas dos pa lang ng madaling araw.




Kahit inaantok ay lumabas ako ng kwarto, nakapikit pa ako na muntik ko nang ikahulog sa hagdan, tabi kasi ng hagdan ang kwarto ko.




Pinilit kong imulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng makakita ako ng malalaking maleta sa harapan ng pintuan ko. Anong ibig sabihin nito?




Nakarinig ako muli ng kalabog, sinundan ko ng tingin ang ingay at galing iyon sa nakabukas na kwarto ni Lexa. Mabilis akong pumunta roon at niluwagan ang bukas na pinto. Nakita kong nakaupo sa kama niya si Lexa at tahimik lang habang si Mama Loisa ay nag eempake, halata sa galaw nito na nagmamadali siya. Sa pagmamadali ay may mga nasasagi siyang displays na hindi na niya binibigyang pansin. Bukas lahat ng cabinet ni Lexa, mga wala ng laman.





Napalingon si Mama Loisa sa akin nang pumasok ako ng tuluyan sa kwarto na nakakunot ang noo.




"Gising kana pala. Balak kitang gisingin after ko kay Lexa but good thing gising kana mag-isa. Fix your things right now Yxan. Aalis na tayo sa bahay na ito." Seryosong sabi ni Mama Loisa at nagpatuloy na sa pag eempake.



"Whaaattt??!!" Nagising na ng tuluyan ang diwa ko sa sinabi niya.





"We have to move." Sagot ni Mama Loisa.




"But why?!" Tumaas na ang boses ko, litong lito na ako sa inaasta niya.




"I will explain it to you. But please, sa ngayon mag empake kana bilisan mo." Bakas sa mukha ni Mama Loisa ang pag-aalala at............ takot? Saan.





"NO!" Sagot ko.




"Yxan, do whatever she says." Parang nagmamakaawang sabi ni Lexa sa akin.




"Lexa?! Pati ba naman ikaw? Wala akong nakikitang mali para maging dahilan ng pag-alis natin ng BIGLAAN!" Pinagdiinan ko talaga ang salitang biglaan kasi nakakagulat nga naman.




"Sinabi na niya na ipapaliwanag niya sayo mamaya. Kaya sumunod kana." Utos ni Lexa.




Pero ayoko, nagagalit ako sa kanila. Okay naman sa bahay ah bakit bigla bigla sila magdedesisyon na umalis kami?? Bakit takot na takot sila? Ano ba kasing nangyayari.






"ALYXANDRIUS MONROE!! FIX YOUR THINGS, NOW!" Napaatras ako sa gulat dahil sa pagsigaw ni mama Loisa.




Nang dumako ang tingin ko sa kaniya ay nagulat ako dahil parang nag iiba ang kulay ng mga mata niya, at hinihingal siya habang galit na nakatingin sa akin. Nag-iba ba talaga o dahil sa lamp shade lang nakailaw? The hell!!





Sa gulat at takot ay kumaripas ako ng takbo at hindi alam ang ginagawa. Dahil nang huminahon ako ay nabigla pa ako dahil may mga maleta na sa harapan ko, dalawang malalaking maleta na gamit ko ang laman.




Napasabunot ako sa buhok ko sa inis. Hindi ko na alam ang gagawin ko, para akong isang bagong panganak na sanggol na walang muwang sa mundo. Lintik!


Wala rin naman akong choice, hindi ko sila pwede hayaang umalis na wala ako. Pumikit ako at kinalma ang sarili bago tumayo sa kama at nagbihis ng isang maong pants at v-neck white shirt. Nag sapatos na rin ako.






Nagsisintas ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Mama Loisa.




"Let's go." Sabi niya at lumabas na.



Mahinahon na siya this time, napabuntong-hininga na lang ako at mabilis nang tinapos ang pagsisintas at lumabas na ng kwarto ko hila hila ang dalawang malalaking maleta.



Paglabas ng bahay ay nagulat ako dahil hindi kotse ang nasa harapan ko kundi isang itim na van, may isang lalaki rin ang nakatayo sa pintuan ng driver's seat. Nasa mid 30s ang lalaki at napakaseryoso nito. Pero mas ikinagulat ko ng yumuko ito ng makita ako.




"Bilisan mo Yxan." Nawala ang tingin ko sa lalaki at bumaling kay Mama Loisa na nagpapasok ng mga maleta sa van, puno na sa likuran ng van kaya sa loob ipinasok ang iba ay inilagay sa pinakadulong upuan.





"Let's go." Usal ni Mama Loisa.



Nasa passenger's seat siya habang nasa unang upuan kami ni Lexa nakaupo. Pinatabi ako sa bintana upang maprotektahan ko raw si Lexa, protektahan saan? Kahit gusto ko magtanong ay nanahimik lang ako hanggang umandar ang van.





"Sa Sheridan tayo pupunta." Seryosong sabi ni Mama Loisa.




Pero hindi na ako sumagot pa, pumikit ako at sumandal sa bintana. Hanggang sa makatulog na akong muli sa byahe.

THE SIGHTLESS LUNATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang