Special Chapter

269 8 0
                                    

KRIS



Malaki ang ngiting ibinigay ko habang tanaw-tanaw ang buong kabuuan ng lugar. Lalo na ang sunset sa harapan ko. Ilang buwan na rin ang lumipas simula ng mangyari ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko. When the man I love kneeled in front of me and ask for my hand in marriage. Ang saya lang maging masaya noh? Yung sayang walang pumipigil sayo. Sayang malaya at walang pag-aalinlangan. Wala problema. Gaya ng naging pangako niya, talagang niligawan niya ako sa pang araw-araw naming. Inaaya niya akong kumain sa labas pag may free time ako sa ospital, nanonood ng cine, binibigyan ng bulaklak saka kung ano-ano pa at lahat ng ginagawa ng isang manliligaw sa isang nililigawan.



Mas lalong lumaki ang ngiti ko ng maramdaman ang brasong yumayakap sa bewang ko ngayon.



"What's my lovely wife thinking? Hmm?" Natatawang inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya.



"Future pa kasi. Pinapahalata mo lang na excited ka na masyado makasal sakin eh."



Yep. Hindi pa po kami kinakasal. Sabi ko kasi sa kanya na palipasin niya muna ang ilang buwan bago kami ikasal. Gusto ko pa maranasan ang pakiramdam na may jowa. HAHAHAHA! Fiancee pala.



"But still. You're gonna be my wife next month right?" Tanong pa niya sabay halik sa ulo ko. Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya saka iniyakap ang dalawang kamay sa kanyang leeg.



"Oo naman."



Ngumiti naman kaagad ito sa naging tugon ko. Naman! Mas lalo talaga siyang gumawapo sa mata ko! Ano ba yan! Kahit tulog, naka dilat o kahit ano pang gawin niya ang gwapo niya parin! Na gayuma ata ako nito eh. And speaking of kasal, ready na ready na lahat sa kasal namin sa susunod na buwan. Mula sa decorations, invitations at sa kung ano-ano pa. Si Driss ang maid of honor syempre habang si Terrence naman ang bestman niya, ang assistant niya sa L.H.



"Do you love my birthday present to you?"



Doon ko naman kaagad naalala na birthday ko pala ngayon! HAHAHAHA! Landi ko kasi kaya nakalimutan ko tuloy! Oo nga pala guys, birthday ko ngayon! My 33th birthday exactly, at dahil nga mahal na mahal ako nitong FIANCEE ko, tsh. Kinikilig pa rin ako sa salitang yun HAHAHA! Pero back to the topic tayo, dahil nga mahal na mahal niya ako, mahal na mahal rin ang birthday present niya para sakin! Pero mas mahal pa rin tong engagement ring ko noh! HAHAHAHA nasa purple island kami sa South Korea ebreywan!



Halos lumuwa ang mata ko nung dumaon ang sinasakyan naming private yacht kaninang umaga! Feel na feel ko tuloy lahat ng sinusot ko ngayon. Kahit saan dumapo ang mga mata ko, sa buong hotel man, sa mga bulaklak, sa wooden bridge o kahit sa mga minivans nila! LAHAT PURPLE!!!!!

The Opposite OnesWhere stories live. Discover now