Chapter 5|| Text

205 5 1
                                    

KRIS


"Kisses Relainne Ivianna Syraphinne Ocampo! Bumangon ka na nga diyan at tanghali na!"


Inis na kinuha ko ang unan sa may gilid at tinakip sa tenga ko. Naman eh! Umagang umaga nam bubulabog! Narinig ko kaagad ang marahas na pagbukas ng pinto at ang nakakarinding boses ni mama. Nako po! Heto na naman po siya.


"Diyos ko! Magtatanghali na tulog ka pa rin?! Paano na yung mga pasyente mo dun sa ospital?! Hahayaan mo nalang mamatay?! Hindi kita pinag-aral ng 12 years sa ibang bansa para lang bumangon ng matagal! Hala bumangon ka na riyan at mag-aalas nuwebe na!" Kinuha nito ang unan na nakatakip sa ulo ko saka ako hinila patayo at dahil nga antok pa ako ay imbes na makatayo ay nahulog pa ako sa sahig. Shushit! Nauna pa talaga mukha ko!


"Aish! Sakit ng mukha ko ma!" Inis na bumangon ako sa pagka-kahulog sa sahig at hinimas ang pisngi. Pag ito talaga namula.


"Ayan kasi! Kung anong pinaggagawa mo sa buhay mo kaya ang tagal mong bumangon! Ano tong naririnig kung tili kagabi dito sa kwarto mo?! Hanap ka ng hanap ng liwanag eh ang liwanag naman ng kwarto mo! Saka ilang beses na ba kitang sinabihan diyan sa kulay ng buhok mo?! Anak naman, kung mag papakulay ka nalang naman pala ng buhok yung presintable naman tignan hindi yung katawatawa. Saka itong kwarto mo! Ang sakit sa mata! Bakit ba ang laki nalang ng pagka adik mo sa kulay purple?! Hindi naman kita pinaglihi kay Barney noon?!" 


Seryoso? Umagang umaga ito ang bubungad sakin? Kulang pa ako ng tulog dahil sa pinanood kong Thai series na '2gether', halos alas singko na ng madaling araw ako nakatulog. Finallow ko pa sa lahat ng social media account yung Thai actor na si Bright Vachirawit Chivaaree na guma ganap na 'Sarawat' sa pinapanood ko kagabi. Di na halos magkasya phone storage ko kaka-save ng mga picture niya! Lalo na yung picture niya sa instagram na naka top less siya! Nawala ata mata ko! Halos masira ko pa ang unan ko kagabi dahil sa kilig! Ikaw ba naman makakita ng dalawang lalaki na super gwapo mega hot na magkarelasyon! Balak ko na ngang munang mag vacation leave ng isang taon eh, pupunta ako Thailand at hahanapin ang bebe ko! Feel ko kasi bagay kami! Ay hindi pala, BAGAY talaga kami!


"Kisses Relainne Ivi--


"Ma naman! Kris kasi Kris! Hindi ba nangangalay panga mo kakabanggit ng buong pangalan ko? Aish! Tsaka ma 7 years lang ako sa U.S, yung 5 years ko dito ko kinuha sa Pilipinas kaya wag kang O.A. At tungkol naman sa narinig mo kagabi. Hindi ako naka drugs o ano. May pinapanood akong series kaya ako tili ng tili. At ang pang huli. Kung ayaw mo naman pala makita ang kulay ng kwarto ko, pumikit ka. Hindi naman kita pinapasok dito eh, pumasok ka lang bigla."


Reklamo ng reklamo pa kasi. Minsan over na rin itong si mama eh. Minsan nakakainis na. Busanot akong tumayo saka nag lakad papunta sa banyo para maghilamos. Mas sumimangot pa ako ng makita kung paano ka pula ang kanang pisngi ko dahil sa lakas ng pag kakabagsak ko kanina sa higaan. Kung minamalas ka nga naman talaga. Kahit nasa banyo na ako at naka sirado pa ang pinto ah, rinig na rinig ko parin ang mga sermon ni mama sa mga kulay ng gamit ko. Hindi ba siya napapagod kakapuna sa sermon? Parang machine gun rin tong bunganga ni mama eh. Buti nalang talaga nagmana ako kay papa na tahimik. Lumbas kaagad ako sa banyo at dali-daling bumaba para makakain na.


"Iyang buhok mo Kris! Naka-ilang sabi na ba ako sayo na--


The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon