Chapter 17|| Bridal Shower

150 3 0
                                    


KRIS

"Bes!" Agad na tawag ko kay Driss pagkapasok ko sa hotel room kung saan gaganapin ang bridal shower niya.



Kasama nito ngayon ang fiancée habang kinakausap ang mga bisita nila. Kanina ko lang din nalaman na pinag-isa pala nila ang bridal shower at bachelor's party ngayong gabi. Ewan ko sa dalawang to. Ngayon pa lang ako naka rinig ng bride shower at bachelor's party nang ikakasal na pinag-isa ha. Dapat kasi individual eh, kaya nga may ganap na ganito kasi huling gabi na nang couple bilang single. Pero never mind, party naman nila to eh.



"Kris!" Lumapit kaagad ito sakin saka bumeso. Napatingin kaagad ako sa suot niya.



"Sexy mo ata ngayon Bes ah!" Sabi ko pa. Naka suot siya ng puting sleeveless nightdress na hanggang gitna lang ng hita nito ang haba. May mga ruffles pa sa ibaba at sa may bandang dibdib niya. Naka suot rin ito nang putting high heels at naka lugay pa ang hanggang balikat nito na buhok.



"Thanks. It's the theme of tonight event." What?! Bakit hindi ako inform?! Naka suot lang ako ngayon ng kulay fig na A-line v-neck lace sleeveless mini dress.



"WAAAAHHHHH! Bakit walang nagsabi sakin na may theme pala sa bridal shower mo? Ang sama!" Napatingin naman ako sa ibang tao sa loob. Naka suot nga sila nang mga sexy na damit na parang nang aakit! Ang ang mga lalaki naman ay naka suot lang nang shorts na hanggang tuhod lang nito at naka polo na bukas lahat ang butones. Ako lang ang naiiba!



"It's okay. May extrang damit naman akong dala. You can use it." Sabi pa nito na ikina hinga ko ng maluwag.



Nako! Buti nalang talaga may extra siya! Kung hindi baka pagtawanan lang ako ng unggoy nitong kapatid pag nakita ang ayos ko. Speaking of unggoy. Isang lingo ko ring hindi nakita ang pagmumukha nang isang yun. Nagtapat lang hindi na nagpakita? Ang kapal rin eh! Wag niyang sabihing nahiya siya bigla kaya hindi siya nagpapakita sakin? Tutuhugin ko talaga bayabas niya! Di kaya pinagtri-tripan lang talaga ako nang isang yun? Aish! Ewan! Bahala siya sa buhay niya! Di ko naman siya gusting makita eh!



Mas gusto ko pang makita si kuya Matt kaysa sa kanya. And speaking of kuya Matt, nakaupo ito sa may couch habang kausap ang ibang bachelors. Ang hot niyang tignan sa ayos niya. Nak po, mukhang magkakasala na naman ako ngayon gabi. Baka bigla akong maglaway sa harapan niya, nakakahiya yun. Baka akala niya minamanyak ko siya o kung ano. Di naman, slight lang ganun. Sabay kaming napalingon ni Driss sa likuran naming nang may tumawag sa pangalan ko. Muntik ko nang makalimutan na may kasama pala ako papunta dito.



"Walangya ka batla! Bakit mo ko iniwan sa may lobby ha?! Saka hindi mo pa sinasagot mga text at tawag ko! Mahirap maligaw ang pagmumukhang ito at baka magahasa!"



Bakit ko nga ba sinama ang isang to? Naka suot ito nang dark blue sexy lace backless v-neck dress. Bakit ganun? Bumagay ang suot niya sa theme ng event kaysa sakin?

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon