Chapter 27|| Breakfast

147 4 0
                                    


KRIS

Punyetang buhay to. Gusto ko pa sana matulog kanina eh kung di lang ako binulabog ng unggoy na yun at inaya akong kumain ng agahan sa labas. Pumayag naman ako of course, hindi naman ako pabebe na tao eh pero kung ganito lang naman pala ang gagawin niya sakin sana natulog nalang ako kanina at hindi nalang sinagot ang letcheng tawag niya! Mag-iisang oras na akong naghihintay dito! 



Halos magsunog na ako ng kilay at halos isumpa ko na siya sa isip ko! Kung pwede pa sana siyang bumagsak ngayon sa talas ng tingin ko sa kanya ng makita siyang naglalakad papasok ay kanina pa ito pinag lalamayan! Anong karapatan niyang pag hintayin ako?! Siya pa nga nag-aya kumain at nagpumilit na huwag na muna akong umuwi sa Pinas kahapon tapos ito pa ang isusukli niya sa kabutihang loob ko?!



Naka suot siya ng navy blue na polo na naka tupi hanggang sa braso niya at naka bukas ang tatlong butones nito sa itaas na parte. Naka white jeans short lang din siya at puting sneakers habang suot-suot ang itim na aviators. Naka brush up ang buhok niya saka patingin-tingin sa paligid na animoy may hinahanap. Agad naman itong na pa ngiti ng mamataan akong naka upo sa may sofa ng lobby.



"Hey." Nakangiting sabi pa niya ng makalapit sakin pero unti-unti itong nawala ng makita ang ma talim kong titig sa kanya.



"Letcheng hey yan! Anong oras na?! Gutom na 'ko! Kung pwede sana kitang kainin ginawa ko na eh!" Nagulat naman ito sa biglang sabi ko, maski naman ako. Parang iba ang pagkaka-intindi ko dun ah.



"A-Ahh, sorry about that. But I texted you that I'll be fetching you here 7:30 in the morning. Uhmm, it's still 7:00 Kris. But it's my fault though. I should have come here early." Inis naman akong tumayo at dinuro pa siya.



"Anong text?! Wala akong natanggap na text!"



"What? But I really did text you. I swear I did. Check your phone if you want."



"Tch. Ipapakain ko talaga sayo tong cellphone ko pag napatunayan ko sayong wala. Humanda ka." Agad kong kinuha ang cellphone sa bag ko saka tinignan ang mga messages. May kay Driss, Keighfer, kay mama at kina papa, pero na pahinto ako sa pagtingin-tingin ng makita ko ang isang unknown number.



'Hey. This is Quiro. I got your number earlier from Zab, hope you don't mind. I'll fetch you later, maybe 7:30. Dress nice.'



"Have you seen it?" Tinago ko lang agad ang phone ko saka umirap sa kanya.



"Che! Gutom nako kaya tara na!" Una na akong nag lakad sa kanya para ma I-salba ang sarili ko sa kahihiyan. Eh naman! Hindi ko naman kasi nakita eh! Hindi naman kasi ako yung tipong mahilig magbasa ng mga text!

The Opposite OnesWhere stories live. Discover now