Epilogue

333 7 0
                                    

Naka ngiti habang nililibot ko ang aking buong paningin sa kabuuan ng lugar. Nasa isang pribadong resort ako ngayon habang naglalakad sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. The wide sand is cascading across the land. There is a small breeze that offers a slight chill, which provides relief from the warm, setting sun. The water crashes against rocks in the distance making a not so loud sound. Nature is in tune with the slow melody the place is playing. The whole place is covered with white and pink peonies and the whole event is field with colorful butterflies. Everything looks so perfect.



Ang buong lugar ay puno ng mga taong nakasuot ng kulay pink, pastel pink, gray, black and white na mga damit. May mga media sa gilid, mga naglalakihang tao sa iba't ibang industriya at mga taong na atasan para gawing mas espesyal ang araw nato. Lahat sila masaya, naka ngiti at parang walang prino-problema.



Ilang buwan na ba akong na wala?



Sa ilang buwan na yun ito na madadatnan ko? Hmmm, pwede na rin.



Napahinto kaagad ako sa paglalakad ng mamataan ang tatlong tao sa harapan. Nakatalikod ito sakin habang aligaga sa pag-aayos sa babaeng naka suot ng puting trahe de boda. Nakaharap silang tatlo sa isang malaking pader na napapalibutan ng bermuda grass. Kung hindi ako nagkakamali nandun na sa harap na nito lahat ng importanteng tao sa buhay ng babaeng nakatalikod sakin ngayon. Ang mga taong naghihintay sa kanya para masilayan kung gaano siya ka ganda ngayong araw nato.



"Sus maryosep! Coleen ayus-ayusin mo naman ang gown ni miss Driss! Yung details! Yung lace paki-ayos! Naku naman! Nakaka gigil ha! Saka asan ba maid of honor nito? Trabaho niya ang mag assist sa bride ah. Kaloka."



Na tawa na lang ako bahagya sa sinabi nung bading na kasama nito na kung hindi ako nagkakamali ay siya ang wedding organizer sa event nato. Nagmadali naman kaagad yung Coleen sa pag-ayos sa trahe de boda habang hawak-hawak ang isang makeup kit at iba't ibang classing brush sa dalawang kamay.



"I-It's okay Darcy. Just leave it there." Rinig kong sabi ng matalik kong kaibigan habang inaayos rin ang sariling damit. Hindi nakatakas sakin kung paano ito bumuntong-hininga saka malungkot na ngumiti sa hawak na bouquet.



"Ay nako dear! Wag ka ng ma stress kung ininjan ka nung maid of honor mo. Yung ibang cliente ko nga noon mismo ang mga groom ang hindi dumalo eh, kaya swerte ka na rin ng very very light." Alinlangan lang siyang ngumiti sa bading saka dahan-dahan na tumango at muling humarap sa harapan.



Hay. Kawawa naman bestfriend ko. Muli ko ng inihakbang ang paa ko papunta sa direksyon nila saka agad tumulong sa pag a-ayos ng suot niya.



"Ay teh, kasama ka ba sa mga nag-aasist? Dun ka na lang sa harap, ang groom ang alalayan mo saka yung mga bridesmaid. Keri na namin dito." Sabi pa nung bading ng mapansin ako. Agad naman akong humarap dito saka ngumiti.

The Opposite OnesWhere stories live. Discover now