Chapter 1|| Dinner

403 10 0
                                    

KRIS


Kakadating ko lang sa mansion ng mga Logan. Yes, mansion talaga! Sila lang naman ang nagsasabing simpleng bahay lang to eh. Mga pa humble rin, pero talagang mansion ang bahay nila. Gawa sa marmol ang kulay krema nilang bahay. May fountain sa harap, may sobrang laking swimming pool sa kaliwang parte ng mansion nila, may basketball court sa kanan, may second kitchen sila sa likuran kung saan minsan nagaganap ang mga barbeque night out at night parties. May sarili rin silang garahe na kasing laki ng bahay nila. Nandon lahat ang mga di mabilang bilang na mga sasakyan ng mga ito. Eh di sila na yung sobrang yaman! Kahiya naman sakin. 


Lumabas kaagad ako sa loob ng sasakyan saka nag lakad papunta sa pinto nila. Kakatapos lang ng shift ko sa ospital kaya dumeretso na kaagad ako dito. Wala ng katok katok pa at pumasok na ako sa loob.


"Hello second fam! Gorgeous Kris is here!" Sigaw ko pagkapasok. Napatingin naman kaagad ako sa may kusina ng may sumigaw dun.


"Kisses!" Ngingiting lumapit ako dito saka siya niyakap.


"Tita kong sobrang ganda! Na miss kita!" Sabi ko pa habang nakayakap sa mommy ni Driss. Close kami eh!


"Naku! Mas lalo ka pang gumanda ngayon!" Kaya mahal na mahal ko tong si tita belle eh, hindi siya marunong magsinungaling. Ngingiting lumayo ako sa kanya pero agad na napatingin sa may hagdan ng may tumawag naman ulit sakin.


"Relainne!"


"Huwaahhh! Tito!" Dali-dali akong lumapit kay tito Cris at niyakap rin ito. 


"You look very pretty." Sabi pa nito. Naku! Kaya gustong gusto ko dito nag pupunta eh, lagi nalang akong napupuri ng walang ginagawa.


"Hay nako tito matagal ko na yang alam tsaka baka may gustong tumawag rin sakin dyan ng Ivianna at Syraphinne? Nahiya pa kayo." Natatawang napa-iling nalang si tito Cris at ginaya ako pababa sa hagdan.


"Buti naka punta ka. Balita ko sobrang busy mo ngayon sa ospital ah." Sabi nit tito.


"Naman tito! Maglalaan talaga ako ng oras basta sa pamilyang to! Ako ata ang pinakamagandang anak anakan mo tito." Okay. Nagbubuhat na naman ako ng sariling upuan ko.


"Good thing your here Kisses! Marami akong niluto ngayon and I'm sure na magugustuhan mo itong lahat." Masayang sabi ni tita Belle. Lagi talaga akong busog sa pamilyang to. Oras oras nagluluto saka ang sasarap pa ah!


"Akala ko ba family dinner lang tita? Bakit parang pang fiesta ang niluto mo ngayon?" Ghad! Biglang literal na kuminang ang mga mata ko ng makita ang mga niluto ni tita Belle. Naglalaway na ata bagang ko.


"You know me. I love cooking a lot of food tsaka mauubos naman natin to lahat, nandito ka eh." Okay. Masakit yun.


"Eh? Hindi ako yung masiba sa pagkain tita ah! Si kuya Alvis kaya yun!" Hindi yung pagsisinungaling guys! Talagang mas masiba si kuya Alvis sakin! Akalain niyo ba namang nauubos niya ang limang putaheng niluluto ni tita Belle ng 30 minutes lang saka wala pa yung dessert ah! Hayop ang sikmura ng isang yun eh.

The Opposite OnesWhere stories live. Discover now