Chapter 7||Help

172 5 0
                                    

KRIS


Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung naganap ang sagutan namin ng Chief sa loob ng conference room. Nag sorry ako pagkalipas ng ilang minuto sa kanya. Alam ko naman na kawalan ng galang ang ginawa kong pag sagot at pag-walk out nung araw na yun. Sa nakalipas na linggo mas naging abala pa ako sa ospital. Mas naging focus ako kay Lav to the point na minu-minuto ko siyang binibisita sa kwarto niya. Sa nakalipas rin na linggo na yun mas lumalala na rin ang lagay niya. Nag-iiba na ang pag-uugali niya. Minsan lagi nalang itong tulala, minsan naman nagagalit nalang sa mga bagay-bagay. Hindi na rin ito makatayo dahil hindi na niya na i-gagalaw ang kanang bahagi ng katawan. Naalala ko pa ang araw na sinabi ko kay Che ang sakit ng anak niya. Halos mawalan ito ng malay kaka-iyak. Hindi na rin namin pinalam kay Lav ang sakit niya kahit minsan nagtatanong na ito. Nasa loob ako ng Pediatric Clinic ni Doctor Gererro, ang Pediatrician ni Lav para makipag-usap sa mga gagawin namin tungkol sa lagay ng bata.


"Doctora Ocampo. Hindi kakayanin ng bata ang surgery na sinasabi mo lalo na ang chemotherapy. Papatayin lang nito ang normal cells niya sa katawan. Nakikita mo naman na hindi gaanong maganda ang pangangatawan ng bata, hindi siya gaanong malaman at nanghihina na rin ito ngayon." 


"Alam ko naman Doc pero ano nalang gagawin natin? Yun nalang ang choices na meron tayo para sa kanya. Kung patuloy lang tayo sa mga pipichugin niyang medication hindi siya magtatagal. Hindi na umeepekto ang ibang gamot na iniinom niya." Napa sabunot nalang ako sa sariling buhok habang nakaupo sa sofa ng clinic ni Doktor Gererro. Naiintindihan ko naman ang sinasabi niya. Mas maalam siya sakin tungkol sa mga bata dahil Pedia siya pero ako Neuro, mas maalam ako tungkol sa mga abnormalities sa utak ng pasyente. Alam ko kung paano o ano ang gagawin sa mga ganitong oras. 


"Pag-iisipan ko muna ang suggestions mo Doktora Ocampo. Hindi tayo pwedeng mag padalos dalos sapagkat buhay ng bata ang nakataya dito. I'll visit you in your office once napag-isipan ko na ng mabuti." Bumuga nalang ako ng hangin saka mahinang tumango.


"Okay doc. Mauna na'ko." Tumango naman ito saka ako tumayo at naglakad palabas ng clinic niya. Imbes na dumeretso sa sariling clinic ay nagpunta na muna ako sa kwarto ni Lav. Gusto ko siyang makita at ma check kung ano ang nararamdaman niya. Ngumiti kaagad ako ng napakalaki ng pumasok sa kwarto niya. Siya lang ang nandon wala ang nanay niya. 


"Hi baby!" Masayang bati ko sabay kaway. Nanghihinang ngumiti nalang to sa'kin saka ikinaway ang kaliwang kamay nito. 


"H-Hello a-ate." Tumabi kaagad ako sa kinahihigaan niya saka hinaplos ang kanyang noo.


"Kumusta ka na? Ano nararamdaman mo? Wala ata si mama mo? Saan nagpunta?" Malambing kong tanong. 


"O-okay lang p-po ako, m-medyo nanghihina p-pero okay pa p-po. H-Hindi ko p-po alam kung n-nasang si m-mama pero hahanap d-daw po siya ng p-pera para sa gamot k-ko." Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Nagsuka ito kagabi to the point na nawalan ito ng malay. Sobrang hina na ng katawan niya. Hindi na nga nito maibuka ng maayos ang mga mata dahil sa hina. Masyadong malakas at mabilis ang cancer cells sa utak niya na araw-araw ay mas nababawasan ang kanyang timbang. Mas lalo siyang namayat ngayon at mas lalo nang nanghina. 


"Palakas ka ah? Maglalaro pa tayo. Diba sabi mo gusto mo rin maging Doktor katulad ko? Kaya pagaling ka para matulungan kita sa pangarap mo." Nanunubig na ang mata ko habang nakatingin sa batang nakahiga sa hospital bed.

The Opposite OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon