Chapter 20|| Kiss

164 4 0
                                    


Ang POV po nato ni Kris ay ang pangyayari before siya tumapak sa stage. Bali point of view niya sa nangyari sa chapter 19. Happy Reading!

~~~

KRIS



Nasa likod ako ngayon ng mini stage sa loob ng main room kung saan nagaganap ang stag party nina Driss at Keighfer. Naiiyak na napatingin ako sa suot ko ngayon. Hindi naman sa hindi ako nagsu-suot ng ganitong damit pero ang kaibahan lang talaga ngayon ay ang gagawin ko mamaya. Sasayaw ako mga pards! Sasayaw ako sa harapan nang maraming tao mamaya! Madudumihan na ang puri ko! Hindi na ako matatawag na dalagang pilipina nito! HUHUHU, kasalanan to ni Driss eh! Hindi siya nakaka-intindi nang joke! Joke lang naman talaga yung sinabi kong sasayaw ako sa stag party niya eh! Hindi na talaga ako magjo-joke sa kanya ulit!



Napatingin ako sa kabilang banda ng backstage ng biglang may pumasok doon na lalaki. Naka suot ito ng maskara saka naka roba na kulay pula. Sino naman ang isang to?



"Hi. Ikaw ba yung stripper sa kabila?"



Ano daw? T-Tinawag niya ba akong s-stripper?



"Ako ba kausap mo?" Turo ko pa sa sarili.



"Ah, oo?"



Walangya! Ako nga! Tinignan ko ito ng masama saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib. Ang kapal rin ng isang to para tawagin akong stripper! Sino ba siya sa inaakala niya?! Dahil lang ganito ang suot ko stripper na kaagad?! Hmp!



"Excuse me lang pero hindi ako stripper noh! Performer ako gago! PERFORMER AKO!"



"Ah, pasensya na. Akala ko kasi stripper ka eh." Paumanhin pa nito.



"Tch. Baka ikaw pa stripper sating dalawa eh. Tignan mo nga yang suot mo ngayon. May children's party kang pupuntahan kuya? Naligaw ka ata ng kwarto." Nginisihan ko pa ito pero ang lalaki sa harapan ko ay bumuntong hininga lang saka mahinang tumango.



"Oo stripper ako. Yun lang kasi alan kung trabaho eh saka may walong anak pa akong binubuhay."



Agad akong natameme sa sinabi nito. Walong anak? Ang rami naman ata nun. Ano ba ang asawa niya? Baboy o aso? Asensadong-asensado sa pag paparami ng lahi ah.



"P-Pasensya na kuya. Hindi ko naman alam. Mukha ka naman kasi magician sa ayos mo."



Langya. Magician talaga Kris? Wala ka ng maisip na iba? Napatawa lang ang lalaki sa harapan ko saka napailing sakin.

The Opposite OnesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang