Chapter 23|| Caught

148 4 0
                                    

KRIS


Kagagahan ba tawag dito? O kabobohan? Baka both? Naturingan akong Neurosurgeon, Cum Laude ng batch namin sa Harvard, may GPA na 5.604 pero di alam ang dahilan kung bakit ginagawa ang katangahan na'to ngayon.



  Punyeta Kris! Ano'ng nangyari sayo teh? 



Hmmm.....pero ano nga ba ang ginawa ko?



"Turn to your side and you'll see the beautiful city of San Francisco. This place is very famous for its restaurants and food trends as it is for its Golden Gate Bridge and cable cars."



Anunsyo ng piloto na ikinatingin ko sa may bintana ng eroplano. And yes, nasa San Francisco ako ngayon, basically sa loob pa ng eroplano. So, kagagahan o kabobohan? Feel ko kasi both eh.



Agad akong tumayo ng lumapag na ang eroplano sa airport. Saan ba dapat lumapag ang eroplano diba? Alangan naman kung sa dagat. Suot ang lavender crop top at navy overalls, naglakad kaagad ako dala-dala ang suitcase. Kahit saan ko ibaling ang pandinig ko puro 'english' na mga salita lang ang naririnig ng mga tenga ko. Hindi na ako mag-dududa kung bigla nalang dumugo ang tenga ko kakarinig sa mga english ka-echosan nila. San Francisco nga eh diba? Lungsod ng California, Estados Unidos kung saan lahat ng tao nag-eenglish. 



 Well, hinanda ko na rin naman ang sarili ko para sa di magkamayaw na englishan kaya medyo payts na rin. Pumara kaagad ako ng cab saka sinabi ang hotel na tutulyan ko pansamantala dito. Patingin tingin pa ako sa mga nagtataasang building sa labas ng tumunog bigla ang phone ko. 



"Ma?" 



"Nag vacation leave ka daw bigla sa ospital? Why didn't you tell us? Tsaka asan ka ba ngayon? I went inside your room but you wheren't their. Your suitcase is also nowhere to be found and some of your clothes are even missing! Tumawag ako kina Belle kanina to ask if you're sleeping over at their house, I even called Driss but they didn't even where in the heavens you are right now!"



Inilayo ko kaagad ang telepono dahil sa lakas ng boses ni Mama. Kailangan talaga sumigaw? Bingi lang ganun? Pero may karapatan naman talaga siyang magalit eh. Hindi naman kasi ako nagpaalam na aalis ako o ano. Walang nakakaalam kung nasan ako ngayon. 



"Chill ka lang Ma okay? Hind ako nakipagtanan o ano. Huwag ka'ng pranella."



"Eh asan ka ba kasi?! Pati papa mo nagaalala na sayo! Muntik pa siyang umuwi galing Amsterdam! Tinawagan ko pa ibang kaibigan mo baka sakaling alam nila kung nasan ka! Naku talaga Kris! Ang tanda-tanda mo na pero ang sakit mo parin sa ulo!"



Umirap nalang ako sa hangin saka bumuntong hininga.

The Opposite OnesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang