Chapter 11|| Weird

172 7 0
                                    

KRIS


"Hi!" Masayang bati ko sa bestfriend ko. Kasama nito ngayon ang fiance na si Keighfer. Napatingin pa ang dalawa sa pinto saka ako nilapitan at nginitian.


"Hey. Kumusta ka na? Sorry ngayon lang ako naka dalaw sayo." Sabi nito pagkatapos bumeso na ikinatawa ko lang.


"Ano ka ba bes! Okay lang ano! Saka hindi naman ako nagkasakit para dalawin." Ngumiti ito ng bahagya sakin saka sila naupo sa may sofa.


"Ano pala ang ginagawa ni kuya Quiro dito?" Tanong ni Keighfer.


Speaking of Quiro. Kakaalis lang rin ng unggoy na yun dito, nagkasalubong pa nga sila nila Driss eh. Sa nakaraang araw simula ng pumasok ulit ako dito sa L.H ay ang pagmumukha nalang ni Quiro ang nakikita ko. Minsan na alibadbaran na nga ako eh pero dahil nagdadala naman siya ng pagkain kebs nalang din. 


Oy di ako patay gutom ah baka akala niyo. Blessings na nga kasi lumalapit tatangihan ko pa? Pero di nga back to the topic tayo tungkol sa tukmol na yun. 


So si Quiro nga, ang taong laging may excuse na mag che-check daw ng ganito, may ti-tignan na ganiri pero nunka kung maniniwala ako sa palusot niyang yun! Huh! Nung una siguro oo na niwala ako kasi siya na ang CEO ng L.H at trabaho niya ang mga ganong bagay pero nung maka-ilang ulit na talaga itong bumabalik at talagang hindi siya nagmimintis na puntahan ako sa sariling office ko ha ay dun na agad ako nagduda. 


Lagi nalang may dalang pagkain para sakin tapos tinatanong pa ako kung kumusta na ako. Isa lang naman ang naiisip kong dahilan dun eh, isa lang. May gusto talaga sakin ang unggoy na Logan. Tch. Deny deny pa eh klarong klaro naman. Kasi naman diba? Bakit niya yun ginagawa kung wala siyang gusto sakin? Ano yun? Trip niya lang gawin ganun? Saka talagang maglalaan siya ng oras na puntahan ako araw-araw sa office ko ha? Rinig ko busy raw yun araw-araw eh. Hectic daw lagi ang schedule kaya bakit nitong nakaraang araw ay nakatambay lang ito palagi dito sa L.H? Dito mismo sa opisina ko? No pets allowed pa naman tong office ko.


Hindi naman sa nagrereklamo ako ha? Pero hindi kami close ni Quiro eh. Sa lahat ng kapatid ni Driss si Quiro ang pinaka ayaw ko. Siya ang kinamumuhian ko sa lahat actually. Epal kasi saka na napakealamero. Akala mo kung sinong magaling eh gwapo lang naman saka may abs. Hindi ko sinasabi na gusto ko siya ah may abs lang talaga. Saan ko nakita ang abs? Sa dreams ko. Nag we-wet dreams kasi ako gabie-gabie eh. Chos! Baka maniwala kayo ha? Hindi ako ganun noh! Pure na pure ang peg ni ateng niyo! Pero di nga, feel ko lang na may abs siya kasi maganda naman ang tindig niya saka napaka manly niyang tignan. 


Back to the topic nga tayo! Ano ba yan! Bakit napunta sa abs ang usapan?! Anak ng! Ano iniisip mo author?! So heto na nga, kahit na naguguluhan ako sa mga pinapakita ni Quiro ay nakatulong rin naman siya sa recovery ko. Seryosong usapan nato mga tsong, nakatulong talaga siya. Naging mahirap talaga kasi sakin ang pagkawala ni Lav. Napalapit na rin kasi sakin ang bata eh. Tinuring ko ng kapatid kaya ganun nalang ang sakit na dinulot nung pagkamatay niya. Hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa pagkawala niya. 


Akala ko babalik na naman ulit ako sa pagiging matamlay eh pero ng bumungad ang mukha ni Quiro nung araw na bumalik ako dito sa L.H nagbago ang mga pananaw ko. Echos rin ang salitang 'bago' eh. Pero di nga. Ewan ko ba sa lalaking yun. Ang weird niya rin eh. Bigla bigla nalang sumusulpot dito sa ospital saka araw-araw nagdadala ng pagkain. Minumuro ko naman saka sinu-sungitan pero ang unggoy tinatawanan lang ako. May saltik na ata yun eh. Natuluyan na.

The Opposite OnesWhere stories live. Discover now