/53/ Four Months Later

Start from the beginning
                                    

Pagkarating ko ng hall ay kaagad akong pumasok. As soon as I enter the room ay nag-shutdown ang sytem na nagpapatakbo sa hall. The hall is small, but thanks to Mr. Vectors signus and the technology made by the Brain Guild ay nagiging isang malawak na space ang hall at nagkakaroon ng parang virtual reality per square tile na maaring pag-ensayuhan ng iba't ibang uri ng signus.

Speaking about guilds, simula nang magbalik ako rito ay hindi na ako nakakapasok sa Viper Guild. Palagi itong nakasara. Hindi ko na rin nakikita si Uncle sa kahit saang sulok ng akademya. Nag-aalala na ako sa kaniya. Pupuntahan ko mamaya si Headmaster A kung may balita na ba siya kay Uncle.


Pawisang nakatayo si Finnix nang matapos siyang magtraining. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at binuksan ang kaniyang mga braso. Lumapit ako sa kaniya at akmang yayakapin niya ako ngunit kaagad akong humakbang paatras.


"Isa lang, please!" he said. He really wants to hug me. I think hugging me became his hobby.

"Punasan mo muna pawis mo! Basang-basa ka. Hindi ka man lang ba nahihiya sa akin?"

"Tss. He said. If you really love me, you must love me at my worst. At saka ngayon ka pa ba aarte? Para namang hindi tayo nag..." sunod-sunod niyang sabi nang hindi tumitingin sa akin. Kaagad kong tinakpan ang bibig niya baka may ibang makarinig at mali ang isipin nila. Pagbaling ko sa paligid ay nangyari nga ang naiisip kong mangyayari. Narinig nila ang sinabi ni Finnix. Tumingin ako kay Finnix na saktong nakatingin na rin sa akin at pinanliitan ko siya ng mata.


"What?" he said with an innocent tone na parang hindi niya alam ang mali sa sinabi niya kanina. Pagtingin kong muli kina Heaven, Crystal, Hydra, Winwin, Lucas at Ten ay parehas silang nakakunot ang noo na parang naghihintay ng explanation sa binanggit ni Finnix.

"Hehehe," plastic kong pagtawa. "Don't mind what he said. He is just uttering nonsense."

"Bakit? What's wrong with a kiss?" finally! He said it. Napabuntong hininga na lang ako dahil nakita kong nawala na ang kunot sa noo ng mga kaibigan ko. Pero hindi maiwasang uminit ng mga pisngi ko.


"Kiss lang naman pala. Akala ko kung yung 'ano' na," sabi ni Ten nang pabiro at tumawa na mas lalong ikinainit ng pisngi ko, hindi tulad ni Finnix na parang walang reaction at parang proud pa sa sinabi niya. A man is a man nga talaga.


Nagsitawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Ten. Isang minuto pa ay ramdam kong sasabog na ang pisngi ko sa pamumula sa sobrang hiya kaya hinila ko si Finnix palabas ng training room. Dumaan kami sa pathways kung saan dumadaan rin ang ibang signusians na kakatapos lang din ng training mula sa ibang training hall. Agaw atensiyon sa mga babae si Finnix dahil basang-basa siya ng pawis and he looks hot on that look. Maligkit ang tingin sa kaniya ng mga babaeng nadadaanan namin na siyang ikinasama ng loob ko.



"Pwede bang magbihis ka muna," I suggested.

"Huh?"

"Magbihis ka na. Basang-basa ka ng pawis. Baka magkasakit ka."


"'Yan ba talaga ang rason o naiinis ka dahil pinagpipiyestahan ako ng mga babae?" napalunok ako ng laway. Paano niya nalaman yun?


"So I am right? Don't worry, Ester. Tanging panlabas lang ang ipapakita ko sa kanila. I'll leave what is inside to yours," he said na nagpanumbalik sa pamumula ng pisngi ko.


"Why are you blushing? Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano, Ester. Kanina ka pa sa training hall. What I am referring is my love. Sa'yo ko lang ipapadama ang pagmamahal ko," he said with a wink. "Yieh! Kinilig siya! Huwag kang mag-alala. Araw-araw kitang pakikiligin," sabi niya pa.
Simula ng maging kami ni Finnkx ay halatang-halata ko ang malaking pagbabago sa kaniya. Naging ganito na siya na mas ikinagusto ko sa kaniya. He is making me feel loved and as a return, my love for him automatically increases.


Shadows Of A Silverharth [COMPLETED]Where stories live. Discover now