CHAPTER 3: Grocery Time

Start from the beginning
                                    

"That's it. Sa kabila naman tayo." Aya niya at hinila nanaman ang cart, sumunod lang ang mga paa ko.



Puro ganun lang ang nangyari, hila-hila niya ang cart at pati ako nahihila. Medyo bumigat na rin ang cart kapag tinutulak ko, ang dami yata ng pinamili namin.

Sa counter ay inisa-isa ni Yxan ang mga pinamili namin upang mabayaran na. Sa dami ay naghintay pa kami ng ilang minuto, nakatayo lang kami habang hawak ni Yxan ang kamay ko.



"Ang sweet naman nila."

"Perfect couple."

"Ang ganda at ang gwapo nila."


Bigla ako napayuko at napangiti sa huling narinig ko. Maganda raw ako, nakakainggit naman sila kasi nakikita at naa-appreciate nila ang physical appearance ko habang ako ay puro kadiliman ang nasisilayan.

"Here's your change sir." Narinig kong sabi ng isang babae, baka 'yong nasa counter.

"Thank you, and please don't look at her like that miss." Seryoso ang boses ni Yxan. Bakit kaya?


"Why?" Pinisil ko ang kamay ni Yxan na hawak ko at mahinang nagtanong sa kaniya.


"Nothing." Malambing na sagot niya at hinalikan ako sa noo.


Napakunot naman ang noo ko sa sagot niya. Nothing? E bakit ganun ang sinabi niya sa counter kanina at napakaseryoso niya pa na nagsalita.




Bumitaw si Yxan sa kamay ko at nakarinig ako ng mga plastics. Baka binitbit na niya 'yong mga pinamili namin.


"Lexa, hold on my hand." Utos niya.


Kumapa ako sa kawalan at ng mahawakan ko ang braso niya ay mabilis akong kumapit ng mahigpit doon.


"Ay bulag pala siya."


Napahinto ako saglit sa narinig ko. Hindi ko kasi nagustuhan 'yong way ng pagkakasabi niya e. Parang nanlalait na ewan. Napayuko na lang ako.



"Why?" Nagtatakang tanong ni Yxan. Hindi niya yata narinig 'yong sinabi ng isang babae na hindi ko alam kung sino ang nagsabi.


"Ah.. Wala." Mabilis kong sagot at inaya na siya umalis.




Pero nakakailang hakbang pa lang kami sa counter ay napahinto si Yxan kaya napahinto rin ako. Nagtataka ang expression ko sa biglaang paghinto niya.



"Denise." Narinig kong sambit niya.


"Ow." Bulong ko sa sarili.



"I came to your house but only the disgusting dogs are there to greet me." Bakas ang inis sa boses nito.

Nainis din ako sa pagkakasabi niya ng 'disgusting dogs'. Mababait ang mga alaga ko, sadyang galit lang sila sa mga mapanakit na tao.


"Okay." Plain na sagot ni Yxan. Lalo ako nagtaka sa inaasal ng kambal ko, bakit parang bigla itong lumamig sa girlfriend niya.



"Babe, give me also some of your time. I want to be with you." Nanlalambing na sabi ni Denise.


"You can come to our house anytime you want, hindi naman kita pinagbabawalan." Sagot ni Yxan.


"Gusto kitang masolo, pero paano mangyayari 'yon kung na kay Lexa palagi ang atensyon mo." Nagdaramdam na saad ni Denise.

"Wala akong magagawa, she needs me more than anything and anyone." Seryosong sabi ni Yxan.


THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now