CHAPTER 2: Sheridan Village

Začať od začiatku
                                    

Rinig niyang sagot ni Yxan, bahagya akong napangiti dahil hindi ako kayang ipagpalit ng kakambal ko sa kahit sino man.

"I HATE YOU!"

Sigaw ni Denise. At narinig kong pabalibag nitong isinara ang front door namin. Napapailing na lang ako, ma-attitude ang girlfriend ni Yxan hindi ko maisip kung paano nagkagusto sa kaniya ang kambal ko.

"Sorry for that. Hayaan mo na siya Lexa, nagtatampo dahil wala kaming date ngayon." Malumanay na sabi ni Yxan.

"You can go you know. You don't have to think about me." Mahinang sabi ko.

"No. Lexa, i told you already that i will look after you while Mama Loisa is not here." Seryosong sagot ni Yxan.

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, mahirap talaga baguhin ang decision ng isang Alyxandrius Monroe.

"Fine." I replied.

Naramdaman kong naglakad muli palayo si Yxan, i guess sa dirty kitchen ang tungo niya, kaya ipinagpatuloy ko na rin ang paglalaro kay Highlight na nasa kandungan ko.

*****

SHERIDAN VILLAGE.....

Abala ang mga tao sa Sheridan, lahat ay busy sa kaniya-kaniyang gawain.

"Okay na." Sabi ni Loisa pagkatapos gamutin ang lalaki.

Nasa maliit na ospital si Loisa sa loob ng Sheridan, tumutulong siyang gamutin ang mga nasugatang tao dahil sa isang pag-atake.

Sa Sheridan ay kabilang sa isang kilalang pamilya si Loisa. Ang mga Foster ay maimpluwensyang pamilya, at isang Elite ang nakatatandang kapatid ni Loisa na si Ludwig Foster.

Si Ludwig Foster ang Beta ng Sheridan Village. Si Loisa Foster naman ang Salutary, isang manggagamot na maihahalintulad sa isang doctor sa mundo ng mga tao.

Nagliligpit na ng mga gamit si Loisa ng mapahinto siya at lumingon sa tumawag ng pangalan niya. Nagtataka siyang hinintay itong makalapit sa kinaroroonan niya. Isa itong tagapagsilbi sa mansion ng mga Sheridan ayon na rin sa kasuotan nito. May sariling uniporme kasi ang mga nagtatrabaho sa mansion.

Kulay puting bestida hanggang paa at long sleeves ito, may kulay asul na nakatali sa bewang nito at mabulaklak ang bandang dibdib. May asul din itong suot sa uluhan.

"Magandang umaga, Ginang Loisa. Ipinapatawag ho kayo sa Mansion, nais ho kayong makausap ng Alpha." Magalang na saad ng tagapagsilbi.

"Sige, salamat. Susunod na ako." Nakangiting sagot naman ni Loisa.

Yumuko ang tagapagsilbi bago ito umalis. Iniwan naman ni Loisa ang mga gamit at nagmadali ng tinungo ang mansion. Alpha ang nagpatawag sa kaniya kaya nararapat lamang na hindi niya ito paghintayin ng matagal.

Pagdating sa mansion ay binati siya ng mga tagapagsilbi. Nginingitian lang ni Loisa ang mga ito bilang tugon sa mga pagbati nila.

"Ginang Loisa, sa opisina po ng Alpha. Naghihintay po sila roon." Bungad sa kaniya ng mayordoma.

"Maraming salamat." Nakangiting sagot ni Loisa at umakyat na sa ikalawang palapag dahil naroon ang opisina ng Alpha.

Sa bungad ng pinto ng opisina ay may dalawang pack members ang nagbabantay. Yumuko ang mga ito at ganun din si Loisa, paggalang iyon sa isa't isa kapag parte ka ng Pack.

Binuksan nila ang pinto para kay Loisa upang makapasok siya sa loob. Nadatnan niyang nakaupo sa solo sofa ang seryosong si Alpha Agustus Sheridan habang sa mahabang sofa ay sina Luna Olivia Sheridan at Beta Ludwig Foster. Nakasandal naman at nakahalukipkip ang ikalawang anak ng Alpha na si Andreighus Sheridan sa mesang gawa sa narra. At si Gamma Rufus Fletcher ay nakatayo lamang malapit sa pinto.

Lahat sila ay napatigil sa mga ginagawa at napalingon sa pintuan dahil sa pagbukas nito at ang pagpasok ni Loisa.

"Magandang umaga po sa inyong lahat." Magalang na sabi ni Loisa at medyo yumuko upang magbigay galang sa mga mas nakatataas sa kaniya.

"Good thing at narito kana Loisa. Maupo ka." Aya ng Luna na pinaunlakan naman ni Loisa at umupo siya katabi ng Beta.

"How's the injured pack members?" Agad na tanong ng Alpha.

"Nagamot na ang lahat Alpha Agustus." Sagot ni Loisa.

"Mabuti. Limang araw din bago nagamot ang lahat." Tumatango-tangong saad ng Alpha.

Maya-maya ay bumaling ito kay Beta Ludwig. Seryoso itong nakatingin sa Beta na may seryosong expression din.

"Beta Ludwig." Tawag ng Alpha sa Beta.

"Yes Alpha. Inutusan ko na ang mga Guardians upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng mga nasaktang pack members, naroon na sila upang magmasid. Nasabihan ko na rin ang mga Hunters upang maghanap ng mga pagkain at iba pang mga dahong panggamot na maaaring magamit." Sagot ni Beta Ludwig.

"Good." Tumatangong sagot ng Alpha.

Sumunod niyang binigyang atensyon ay ang Gamma na seryosong nakatayo malapit sa pintuan.

"Gamma Rufus." Sambit ng Alpha.

"Yes Alpha. Kasama ko ang mga Sentinels upang magbantay sa boundary ng territory at panatilihing nasa maayos ang lahat. Samantalang ang mga Scouts ay nabigyan na rin ng tungkulin upang doblehin ang pagmamasid nila at mabigyan tayo ng mas maagang babala sa kaganapan sa labas ng boundary." Sagot naman ng Gamma.

"Okay." Tugon ng Apha.

Napabuntong-hininga ang Alpha at napahawak sa sentido dahil bigla itong nahilo sa kinauupuan. Mabilis naman siyang inalalayan ng kaniyang asawa na malapit sa kaniya.

"Honey, are you alright?" Nag-aalalang tanong ng Luna.

"Yes. Sumakit lang ang ulo ko." Sagot ng Alpha.

"Andreighus." Sambit ng Luna.

Dali-dali naman pumunta ang anak ng Alpha sa table nito upang hanapin sa mga drawers na naroon ang gamot ng kaniyang ama.

Kumuha na rin ng tubig ang Gamma at iniabot ito sa Luna kasabay ng pag-abot ni Andreighus sa gamot. Agad itong ipinainom sa Alpha upang umayos ang lagay nito.

"Huwag mo muna isipin ang mga pag-atake nila. Magpahinga kana muna, nariyan naman si Beta Ludwig at Gamma Rufus upang bantayan pansamantala ang Village." Malumanay na suwestiyon ng Luna.

"Hindi maaari, ako ang Alpha kung kaya't nararapat lamang na alagaan ko ang pack at siguraduhing ligtas ang village." Sagot ng Alpha.

"I don't get it, Aleighanne is no longer with us but why the hell they always messing up with our pack?!" May bahid ng galit na saad ni Andreighus.

Walang sinuman ang sumagot kay Andreighus kaya lalo itong nainis sa inaasta ng mga kasama niya sa loob.

"Alpha Gordon is such an unbelievable psycho bastard." Nakahalukipkip na sambit ni Andreighus.

"It is better to be attacked by Black Shadow Pack, 'cause I can't afford to lose them. I can sacrifice my own life just to make sure that they are safe." Seryosong saad ng Alpha pero nakayuko ito habang hawak siya sa balikat ng Luna.

"But we can't lose numerous pack members also, sana maisip niyo din iyan. Sana balanse kayo mag desisyon." Huling sambit ni Andreighus at lumakad na ito palabas ng opisina na masama ang loob.

Natahimik ang Alpha sa sinabi ng anak. Naisip nito na tama nga ang anak niya dapat isipin din niya ang nasasakupan niya. Kada atake ay nababawasan sila ng miyembro.

"If ever Bertram attack us again, we will now.................... A-ask for h-help of other pack." Seryosong saad ng Alpha.

Natahimik ang lahat dahil sa kabiglaan. Dahil kahit minsan ay hindi humingi ng tulong ang kanilang Alpha, dahil sa lakas nito ay hindi siya napapatumba. Kung kaya't laking gulat nila ng bigkasin nito ang salitang ask for help.

~~~~

Pronounciation;

Andreighus = Andrey-yus
Aleighanne = Aley-yan

THE SIGHTLESS LUNAWhere stories live. Discover now