Krib♥️

Me:
Good morning.
😒

seen👀

Kitang kita ko rin ngayon kung paano niya tinitigan ang cellphone at ibinulsa lang ito. Tangina ah! Inis ako sanang bababa ng bigla siyang...

Naglakad pabalik sa kalsada, pagkatapos ay tumawid sa kabila at nagabang ito ng dyip at nakasakay din agad.

DAMN. Now I know, nautakan  mo ako Dennis. Pero wala ka naman magagawa dahil dito sa loob ng eskwelahan ako lang ang makikita mo.



Krib♥️

Me:
Seener ah.

Krib♥️:
Ah sorry,
kakagising ko
palang.

Maya nalang ah.
Asikaso lang ako
chat kita
pag nasa may 7/11
na'ko.

SINUNGALING!

•••
Dennis

Nakaisip ako ng paraan, pero sana pumayag si Lucario.

"Beyb?" kausap ko siya ngayon sa cellphone.

"Hmm" sagot niya lang.

"Bukas ah, maaga mo ako sunduin para maaga ka rin makarating sa school niyo" paalala ko sa kanya.

"Yep, kanina mo pa yan sinasabi" pagpuna niya na tila nagtataka sa paulit ulit na sinasabi ko. "Parang di ka mapakali"

"Hehe, excited lang ako bukas beyb" pagrarason ko.

Kahit ang katotohanan ay dalawang beses akong susunduin para ihatid sa DMA, una ng boyfriend ko at pangalawa ng exboyfriend ko.

"Sige na matulog na tayo, maaga ka pa bukas, pagluluto mo pa ako ng almusal" napangiti naman ako sa sinabi niya, gusto niya talaga na ipagluto ko siya. "I love you"

Haist yung mga puso ♥️♥️♥️♥️

"Love you too beyb! Muahh!"

"Tss.." na parang natatawa sa kabilang linya.

Masaya akong natulog ng maaga, naka ayos narin ang mga sangkap para sa gagawin kong almusal bukas.






KINABUKASAN agad akong bumaba at pumunta sa kusina, naabutan ko rin si manang na nagluluto.

Bakante naman ang isang stove kaya pwede ako makasingit prinito ko muna amg tokwa bago ko ginawa ang special sinangag ko na may mga ibat ibang gulay na halo.

SUBDIVISION SCANDAL V 💚❤️💙💜💛On viuen les histories. Descobreix ara